Chapter 16

221 5 0
                                    

Hating-gabi na, ngunit si Basilio ay gising pa at nag-aaral..

Naka-upo siya sa isang maliit na bangko at nagbabasa sa lamesa gamit ang lampara.

Sa bandang kanan niya ay nandoon si Charity na natutulog ..

Maya-maya’y dumating si Simoun..

kumusta ang maysakit?” agad na tanong ng ginoo..

mahinang-mahina na, unti-unting kumakalat ang lason sa buo niyang katawan na maaari niyang ikamatay sa anumang oras.” Paliwanag ni Basilio

katulad ng Pilipinas.”

“ang lalo pang nagpapahina sa kanya ay ang pagdaramdam, panaginip at bangungot.”

“katulad ng Pamahalaan.”

“isang gabi nga ay nagising siya na patay ang ilaw at inisip niyang siya ay bulag. Pumasok ako ng kanyang kwarto at nagdala ng lampara at tinawag niya akong Pari Irene at Tagapagligtas.”

“ganyang-ganyan nga ang pamahalaan.”

 

Saglit silang natahimik ..

Lumingon si Simoun sa kanyang gawing kanan.. at nakita niya si Charity..

Nanlaki ang mga mata ng ginoo..

s..si Maria-----“

“hindi po, siya po si Charity, kaibigan ko.. kaibigan nila Sydney.”

“ni Sydney?”

“opo.”

“akala ko;y si Maria Clara na ang nasa aking harapan.. making ka Basilio, tulungan mo ako! Marami ang mamamatay sa gabing ito.”

“po? Ano po ang gagawin ko?”

“pamunuan mo ang pangkat at salakayin ang kumbento ng Sta. Anaat doon ay ilabas ang isang taong maliban sa iyo at kay kapitan tiyago ay walang ibang nakakikilala.”

“si Maria Clara?”

“tama. Si Maria Clara nga.nagbalik ako upang siya ay iligtas.”

 

 

 

“ay! Huli nap o kayo!! Si Maria Clara po ay patay na! “

“p—patay na?”

“kaninang hapon.. ikaaanim, ngayon marahil ay ----“

“hindi yan totoo!!! Bahuay si Maria Clara.. isa iyang duwag na dahilan”

“may ilang araw na po nalulubha ang lagay niya, ako ay lagging dumadalaw sa kumbento upang makibalita. Magdamag po na umiiyak ang matanda.”

“namatay??!” paghihinagpis ni Simoun. “namatay na hindi manlamang kami nagkita? Namatay na hindi man lamang na nalalaman na nabubuhay ako nang dahil sa kanya? Namatay na nagtitiis?”

 

Magsasalita na sana si Basilio nang biglang umalis si Simoun…

Kaya’t wala na siyang nagawa.

kaawa-awang lalake.”

 

UpTOwn Girls in El Filibusterismo ... ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon