Makalipas ang ilang lingo..
Nagtungo si Isagani sa kanyang mga kaibigan .. ang pamilya ng Orenda..
Ang mga tao noon ay nag-uusap kung ano ang nangyari noong nakaraang lingo sa kasal ng mag-asawang Pelaez..
Kung sino ang nagtangkang magpasabog sa tahanan ni Kapitan Tiyago..
At kung sino naman ang mahiwagang tao na nagtapon ng lampara sa ilog..
“naku!! Kung nagkataong pumutok!!” ani ni Kapitan Toringgoy.. “nangamatay sanang lahat ng nangasa daang Analogue!”
“Maryosep!” wika naman ni Kapitana Loleng “ lahat pa naman ng may utang sa akin ay naroroon.. sino naman kaya ang-----“
“ang mga prayle kaya?”
“baka ang intsik na si Quiroga?”
“isang Estudyante marahil.”
“si Makaraig?”
Si Kapitan Toringgoy ay umubo at tumingin kay Isagani na tahimik lamang na nakikinig sa kanila.
Si Chichoy naman ay umiling na nakangiti
“eh baka naman ang mag-aalahas na si Simoun?”
“ Si Simoun?”
Isang katahimikan ang sumunod sa sandaling iyon.
“si Simoun ay dumalo rin sa piging, di ba?”
“naroroon nga, at ngayon ko lamang napagtanto na …” wika ni Momoy “na iniwan niya ang bahay ng mga sandaling kami ay maghahapunan na lamang upang kunin niya ang handog sa bagong kasal.”
Patuloy na nagkwentuhan ang mga tao ngunit si Isagani ay nananatiling tahimik lamang..
BINABASA MO ANG
UpTOwn Girls in El Filibusterismo ... ?
PertualanganMapadpad sa mahiwagang mundo ng nobela ni Jose Rizal. MUST READ THIS FIRST !! Nanaginip po ako, at binisita po ako ng ating Pambansang Bayani.. so nagkaroon po ako ng opportunity na tanungin siya kung okay lang ba na gumawa ako ng sariling rendition...