Nagtungo sila kay Pari Florentino
At nandoon din si Simoun.. na sugatan
At anumang oras ay maaari na itong mamatay…
“nahihirapan po ba kayo G. Simoun?” Pari Florentino
“bahagya po, ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na ang paghihirap ko”
“tigilan mo nga iyan” saway ni Sydney
“sayang lamang .. wala na akogng lunas”
“ano ba ang iyong ginawa at nagyari ito?” tanong ng pari
“huwag kang mabahala.. ang nagawa ay nagawa na . hindi ako dapat mahuling buhay ninuman, di maaaring makuha sa akin ang lihim”
Isinalaysay ni Simoun ang pangyayaring naganap sa kanyang buhay may labing tatlong taon na ang nakakaraan..
Ang pag-asa, pangarap at paggawa ng kabutihan .. na nauwi sa pagkawala ng lahat ng ito
Lalong lumala ang lagay ni Simoun…
Naramdaman ni Pari Florentino na pinigilan ng maysakit ang kanyang kamay..
Hinintay niya itong magsalita ngunit nakaramdam lamang siya ng isang mahigpit na pagkakapisil..
Nakarinig ng buntong-hininga at pagkatapos ay naghari ang ganap na katahimikan..
“Simoun!! Simoun!” spaghihinagpis ni Sydney
Tahimik lamang ang Pari , sina Hillary, Charity at Shana..
Pinagmasdan ni Pari Florentino ang bangkay sa kanyang pagtindig at sa mukha’y nasinag niya ang matinding kalungkutan..
Nagdasal sila
Kinuha ni Pari Florentino ang kanyang kahang bakal na kinalalagyan ng kayamanan ni Simoun..
Sa gayo’y inihagis niya ang kahang bakal ni Simoun sa dagat..
“ingatan ka nawa ng kalikasan sa kailaliman, na kasama nang mga korales at mga perlas. Kung sa isang banal at matayog na layon ay kakailanganin ka ng mga tao ay pahintulutan ka ng Diyos na makuha sa sinapupunan ng mga alon. Samantala’y hindi mo maililiko ang katarungan diyan at hindi ka makapag-uudyok sa kasakiman”
Pagkatapos masambit ang mga salitang iyon ay lumiwanag ang paligid..
Isang pangyayaring pamilyar na sa kanilang apat..
Umihip ang malakas na hangin ..
Umuugong ang kalangitan..
Humahampas ang alon sa batuhan..
Nag-iingay ang mga bintana sa silid-aralan
\
Hanggang maging maamo ito..
Humina nang humina..
At tuluyang nawala..
Nagbalik sila sa kanilang lugar..
_________________________________________________________________________
A.N---> yehey!! salamat po sa lahat ng sumuporta =))
alam ko pong bitin yung wakas.. ganoon talaga ako magwakas ee :PP
pag-iisipan ko kung gagawan ko pa ng kemerlu ito..
BINABASA MO ANG
UpTOwn Girls in El Filibusterismo ... ?
AdventureMapadpad sa mahiwagang mundo ng nobela ni Jose Rizal. MUST READ THIS FIRST !! Nanaginip po ako, at binisita po ako ng ating Pambansang Bayani.. so nagkaroon po ako ng opportunity na tanungin siya kung okay lang ba na gumawa ako ng sariling rendition...