********
Author's P.O.V
Sa loob ng malawak na Arena ng Gang World o ang tinatawag nilang UnderGround , napuno ng napakaraming gangsters kasama narin ang mga Royals na pinamumunuan ng Vipers . Ang Royals na binubuo ng 3 Gang .
Ang Vipers ,rank 1 sa gangworld,na siyang namumuno sa Royals.
Binubuo ito ng tatlong miyembro. Viper, ang kanilang leader.Siya ang kinatatakutan ng lahat. Bihira lamang siyang makikitang lumalaban dahil kay Python muna sila dumadaan.Siya ang ikalawang miyembro ng Vipers. Makakalaban mo lang siya kapag natalo mo ang isa pa nilang miyembro si Serpent. Halos lahat ng sumusubok humamon sa kanila ay hanggang kay Serpent lang ang laban nila. Lahat sila'y madali lang natatalo ni Serpent kaya masasabing malakas talaga sila.
Ang Vipers ay ang pinakakilalang gang na hindi sama sama kung lumaban. Tig-iisa lang silang lumalaban at nanonood lang ang dalawa sa kanila.Hindi lang sa Gangworld sila kinatatakutan kundi pati narin sa Mafia World kasi sila ang tapat na kanang kamay ng Emperor.Sunod naman ang BLACK CARD Gang,rank 2, na binubuo ng apat na miyembro . Kasalukuyan silang nasa China . Magaling sila sa paggawa ng mga poisonous na armas.Sila yung gang na bihira lang kung lumitaw sa UG .
Saka lang kasi sila magpapakita kapag kailangan na sila ng Vipers kaya sa puntong ito hindi parin sila nakikita ng ilang bagong gangsters dahil hindi pa naman sila pinapatawag ng Vipers.Walang gustong humamon sa kanila dahil kilala sila sa labanang patayan. Lahat kasi ng humamon na sa kanila ay nasa puntod na. Ang mga miyembro ng gang na 'to ay puro mga babae.
Ang pangatlo ay ang Phantom Gang ,rank 3, na binuo naman ng apat ring miyembro. Sila yung kasama ng Vipers ngayon na nagbabantay sa UG. Mas bata ang mga miyembero nito at ang Black Card Gang kesa sa Vipers. Sila yung gang na laging gustong makipag-bugbugan. Wala silang inaatrasang hamon . Dahil lahat naman ng humamon sa kanila ay tinalo nila.Ang lahat ng miyembero nito ay mga lalake.
Ang mga nasa rank 4 hanggang 10 naman ay ang mga tinatawag nilang knights. Sila yung nagbabantay sa UG kapag wala ang mga Royals.
....
Lahat ng nasa loob ng arena ay matinding inaabangan ang isang laban.Isang taong bigla na lamang nagpakita sa UG at nang hamon ng laban.
Nakamask lang ito kulay itim at nakahood ng black na may halong pula saka nakapantalon lang ng black tattered jeans . Kung titignan lang siya ay parang isang normal lang na tao na bigla na lamang napadpad sa ganung klaseng lugar.
"Let's now begin the match.Scorpion Gang vs. Someone who came from nowhere . Are you Ready m*th*rf*ck*rs????????" -sigaw ng MC na nasa taas .
Naghiyawan naman ang lahat ng mga nanonood .
Habang ang mga Royals naman ay cool lang na nakaupo sa pinakataas kung saan pwesto ng mga namumuno sa GangWorldWalang makikitang bahid ng excitement o pagka interesado sa kanila.
Basta andun lang sila upang pagmasdan at bantayan ang UG sa mga oras na iyon.Pumasok na sa ring ang scorpion gang at sumunod naman ang taong nanghamon sa kanila. Sa magkabilang gilid ay may nakalagay na mga iba-ibang armas na pwede nilang gamitin. Andun ang mga daggers, katana, kunai, bows at iba pang mga armas kabilang na ang baril.
Sa battle sa loob ng Ring meron lang silang isang rule , Pwede kang mandaya pero hindi ka pwedeng pumatay.
Cheat the shits whenever you want but value their lives , ang laging paalala ng Royals bago magsimula ang laban. Nilock na nila ang hatch ng ring.
"Mukhang mali ka ata ng binangga bata"- nakangising saad ng lalaking nasa gilid habang hawak hawak na ang isang katana. Si Spider ,ang leader ng kanilang grupo na naka kulay green ang buhok at may tattoo pa sa kaniyang kanang balikat.

YOU ARE READING
THE GODDESS DEMON
AksiShe was born to be a Demon Neither accept failure nor recreant shit A goddess that you will never repined to meet Someone who will change everyone's lives A mysterious lady who will enter to Hira University. Your new schoolmate . Ready to meet her...