********
"HI" - bati ni Dawn kay raven nang maimulat nito ang kaniyang mga mata.
Walang imik lang siyang tumingin sa lima.Hindi naman maiwasang mapaisip siya kung bakit nandun parin ang lima at hindi pa umaalis.
"Mauna na kami girls. May biglang nangamoy basura na dito eh"- vince na cold lang na lumabas at sinundan naman siya nina Lloyd at Blake.
Tumingin muna siya kay nerd pero hindi yun napansin ni Raven.Hindi parin niya matukoy kung anong klaseng tao ang bigla na lang sumulpot sa kanilang University. Ni wala man lang siyang mahanap na mas malalim na impormasyon tungkol kay nerd.
"Text Text nalang later girls"- sabi naman ni Lloyd saka nagwink pa siya kay Dawn bago makaalis
"MANYAK" -asar na sigaw ni dawn.
napa chuckle nalang si gail sa matinding asaran ng dalawa
Naiwan na ang tatlong babae sa room.nagsenyasan pa ang dalawa kung sinong mauunang makikipag-usap kay Raven
Kaya sabay nalang nilang hinarap ito saka nginitian.Sila yung Queen ng university na hindi bully ang prinapriority but harmony. .
"Pwede makipag friends?" - Gail na may ngiti sa labi.
Kanina pa nila gustong kausapin si Raven. Hindi nga nila alam ang dahilan kung bakit ganun na lang sila kabilis makitungo sa kaniya basta ramdam nilang magaan ang loob nila sa babaeng nerd na tahimik lang na nakadungaw sa bintana
"Queen kayo dito diba?"- tanong niya sa dalawa kaya napatango naman ang dalawa
"So-----"
Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang agad na pinutol ito ni Dawn
"Huwag kang mag-alala . We won't let them bully you"
-dawnHindi man yun yung gustong sabihin ni raven pero sinang-ayunan na lamang niya iyon. Para sa kaniya mas mapapadali ang paglapit niya sa kaniyang target.
"Okay " maikling sagot na lamang niya saka nag fake smile.
Hindi siya yung tipo na palangiti at never pa siyang ngumiti sa ibang tao .Nakatatak na sa kaniyang isipan na hwag siyang ngingiti kahit kanino.
"So, tara na sa cafeteria"- aya ni Gail na agad namang sinang-ayunan ni Dawn saka nila isiniksik ang kanilang kamay sa magkabilang braso ni raven.
Ayaw na ayaw ni raven ang hinahawakan siya pero wala siyang magawa dahil part na 'to sa kaniyang plano.
Labis naman ang gulat ng mga estudyanteng nakakakita sa kanila habang papunta silang cafeteria.
May mga sumama naman ang tingin kay raven dahil nakuha na naman nito ang pansin ng Queens ng kanilang school.Mas dumami narin ang naging haters ni raven dahil dito.
"Just don't mind them"- bulong ni Gail sa kaniya.
Hindi naman umiimik si raven.Wala siyang pake kahit pag-usapan pa siya dahil sanay naman na siya sa mga ganoong bagay. 'Just a waste of time' ika nga niya
"Umupo ka muna dito. Kami na bibili ng meryenda hihi. What do you want ba?"- hindi makapagpigil na tanong ni dawn pagkapasok na pagkapasok palang nila sa cafeteria.
"Ano ba yan Dawn. Atat na atat ka masyado" iritang saad no Gail
"Happy lang po.Hahaha. So anong gusto mong kainin _____??????" Naalala nilang hindi pa pala nila alam yung name ni nerd.
"Raven, Raven Park"- maikling sabi nito saka tumingin sa mga estudyanteng kanina pa nakatingin sa kaniya ng masama.
Sa isip niya ay dinudurog na niya ang mga ito"Raven Park. Ay. Ang astig ng name ah."-papuri ni gail.
" Ayaw mo bang tanggalin yang salamin mo?" Tanong ni dawn bigla saka akmang tatanggalin na sana ang salamin nito ng bigla niya rin itong pinigilan
"Wag. Malabo mata ko"-pagpapalusot naman ni raven.
"Ay.sorry hihihi. Ano nga ulet gusto mong meryenda?" - pang-iiba nalang ni dawn ng usapan.
"Burger,Fries at cokefloat nalang" sabi niya saka ngumiti ng peke.
"Okay. Hintayin mo na lang muna kami dyan ha Raven. Samahan ko na muna tong bumili. Baka mali na naman bilhin nito"- si Gail saka tinuro turo pa niya si dawn
" luh, grabe ka naman. Hindi na ngayon noh" tapos nag *pout* pa
"Asus. Tara na nga . Mukha ka na namang pato diyan" pang-aasar ni gail saka nagtungo na sila sa counter.
Natawa na lamang si raven sa gawi ng dalawa . Bagong kilala palang nila pero mabait na ang dalawa sa kaniya.
Bigla naman siyang napatigil nang marealize niyang tumatawa na pala siya. Bumalik ulet ang dati niyang ekspresiyon sa mukha saka tumingin nalang sa labas ng cafeteria.
*Fuck!WhatTheHeckI'mDoing* bulong na lamang niya sa kaniyang sarili .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Ang kapal din naman pala ng mukha mong lumapit sa Queens no? Eh Panget na nerd ka lang naman "
Napatingin si raven sa biglang nagsalita at nakita niyang may tatlong bruhang pare-parehong nakapameywang. Inilibot niya ang kaniyang paningin at halos nasa kanila na pala ang atensiyon ng karamihan sa loob ng cafeteria.
.
'Tss. Attention seeker' sabi niya sa kaniyang utak
.
Tumingin ulet siya sa tatlong bruha..
'Fudge!Clowns' mura pa niya .
.
"HOY Nerd. Diba binantaan na kita na umalis na dito? Wala kang lugar dito!Kaya layas"
Sabi ng babaeng nasa gitna.Naalala na lamang niya na sila pala yung mga nagtaray sa kaniya sa locker room. Kaso kulang sila ng isa ngayon.
Hindi naman umiimik si nerd. Wala siyang panahon para makipag-away sa mga walang kwentang bagay.
"HOY!KINAKAUSAP KA PA NAMIN NERD" bulyaw naman ng isa
Pero hindi parin nagsasalita si raven. Dumarami narin ang nanood sa kanila."Mukhang napipi ka na ata nerd.pfft" pagtataray ng isa pa nilang kasama
Tatayo na sana siya para umalis na lang nang bigla siyang pinaupo muli.
Napamura na lamang siya sa kaniyang isip dahil sa inasta ng tatlong kanina pa niya pinipigilang sakalin.
"Aalis ka nerd? Takot ka? Well dapat lang na matakot ka. Ano ba kasing laban mo sa amin eh Wala ka namang binatbat. WALA KANG SILBI!!!!" sigaw ng babaeng nasa gitna nila .
Nagbago naman ang ekspresiyon ni nerd at naikuyom niya ang kaniyang kamao . Kinilabutan naman ang mga nanonood malapit sa kaniya ng mapansin nila ang kaniyang nakakatindig balahibong mga tingin.
Cold siyang tumingin sa tatlo na mapapansin kinakabahan na sila. Pero hindi lang nila ito pinahalata at nagtapangtapangan pa.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
."What did you just say?"
........

YOU ARE READING
THE GODDESS DEMON
حركة (أكشن)She was born to be a Demon Neither accept failure nor recreant shit A goddess that you will never repined to meet Someone who will change everyone's lives A mysterious lady who will enter to Hira University. Your new schoolmate . Ready to meet her...