CHAPTER ONE

7.2K 166 13
                                    


NAGTAKA si James nang pagpasok niya ng susi sa door knob ng kaniyang condo unit ay bukas ang pinto. Sa pagkakatanda niya ay ni-lock niya iyon bago siya umalis para pumasok sa kaniyang trabaho. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil baka may kung sinong nakapasok sa condo unit niya. Hindi kaya magnanakaw? Kung tama ang hinala niyang may pumasok sa condo unit niya nang hindi niya alam ay hindi naman ito uubra sa kaniya. Black belter siya sa taekwando at may army knife pa siya na palagi niyang dala upang pang-self defense kung kinakailangan.

Sa halos limang taon na niyang nakatira dito ay ngayon lang ito nangyari sa kaniya na tila may nagbukas ng kaniyang unit.

Huminga muna nang malalim si James at inihanda ang sarili sa kung ano man ang mangyayari. Hinugot niya ang susi at saka pinihit ang seradura. Itinulak niya ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang kadiliman.

Kinapa niya ang switch sa dingding na malapit lang sa pintuan. At nang mabuhay niya ang ilaw ay wala naman siyang nakitang kakaiba sa salas. Nasa ayos pa rin ang mga gamit niya. Kung magnanakaw kasi ang nakapasok sa condo unit niya, malamang ay magulo doon at nagkalat ang mga gamit.

Mabilis siyang nag-isip…

Hanggang sa bigla siyang kinabahan sa kaniyang naisip na taong pwedeng pumasok dito sa condo unit niya nang walang paalam!

Itinapon lang ni James sa kung saan ang kaniyang bag at tumakbo papunta sa silid niya. Walang tao doon. Natigilan siya at kinilabutan nang pumailanlang ang isang awitin…

Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat
Ang layuan ka’y payo nilang lahat
'Di ko magawa, mahal kitang tapat…
PS I love you,
'Yan ba’y 'di pa sapat?

Pinakinggan niya iyon ng mabuti at napagtanto niya na nanggagaling iyon sa dining area. May takot man sa kaniyang dibdib ay nagpunta pa rin siya doon. At tama nga ang kaniyang huling hinala. Nandoon ang nag-iisang tao na alam niyang maaaring pumasok sa condo unit niya kahit ayaw niya. Walang iba kundi si Ava-- ang kaniyang ex-girlfriend!

Nakasuot ito ng kulay pulang dress na sexy ang tabas. Kita ang maputi at makinis nitong hita. Halos lumuwa na rin ang malaking dibdib nito sa lalim ng neckline nito. Maganda ang pagkaka-ayos ng buhok nito pati na ang make-up. Magandang-maganda si Ava. Hindi niya iyon maitatanggi. Ngunit hindi na siya humahanga sa ganda nito. Natatakot na siya dito.

PS Mahal na mahal kita…
PS I love you, walang iba.
At huwag kang mag-alala, 'di ako papadala
Sa sinasabi nila, sinta.

“Surprise, hon!” Masayang turan ni Ava.

Doon lang niya napansin ang mga pagkain na nasa mesa at ang romantic na set up ng table. May mga petals pa ng red roses sa sahig.

“Ava?!” Hindi makapaniwalang sabi ni James. “Ano’ng ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?”

“I have my ways, hon! And… Nakalimutan mo na ba? Anniversary natin ngayon, hon!” anito habang naglalakad palapit sa kaniya. “Happy third anniversary, hon!”

Hinawakan nito ang pisngi niya at akmang hahalikan siya pero bigla niya itong itinulak. Muntik pa itong matumba. Mabuti na lang at nakakapit ito sa gilid ng lamesa. Nawala ang sweetness sa mukha ni Ava. Napalitan iyon ng masamang tingin patungkol sa kaniya.

“How dare you!” mariin nitong wika.

“Ava, matagal na tayong break. Almost six months na. Kaya anong anniversary ang sinasabi mo? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on? Hindi na kita mahal--”

“Pero mahal pa rin kita! I love you somuch, James, and you’re expecting na makaka-move on agad ako sa iyo? Magbalikan na tayo. Sayang ang effort ko para sa pag-prepare nitong pa-surprise ko sa iyo.”

P.S. I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon