CHAPTER THREE

2.7K 102 22
                                    

WALA nang bukas na kainan o kahit coffee shop man lang na nakita sina Faith at Brandon kaya naman sa apartment ng huli sila humantong. Labag man sa kalooban ni Faith ang sumama kay Brandon ay sumama pa rin siya dito para sa gusto nitong closure. Para na rin kasi iyon sa sarili niya. Kailangan nila ni Brandon ng closure para maging maganda ang pagsisimula nila ni Angelo sa buhay may asawa. Ang pangit naman na mag-asawa na sila ni Angelo tapos may parte siya ng nakaraan niya na hindi niya naayos.

“May gusto ka pang inumin o kainin? Juice o kape? May mocha cake ako diyan sa ref. Favorite mo iyon, 'di ba?” tanong sa kaniya ni Brandon matapos siya nitong paupuin.

“Kape na lang. Walang creamer at one teasepoon lang ng sugar, please…”

“Sige.” Matipid na sagot ni Brandon at pumunta na ito sa maliit na kusina para ipagtimpla siya ng kape.

Tumayo naman si Faith upang tingnan ang kabuuan ng salas ng apartment ni Fidel. Walang masyadong gamit doon pero nakuha ng mga picture frames sa ibabaw ng isang lamesa ang atensiyon niya. Nakalagay doon ang mga picture ni Brandon kasama ang mga kaibigan nito. Inasahan niyang may litrato siya doon pero nabigo siya dahil wala.

“Hindi ka na nagtatrabaho sa call center?” tanong niya nang lumabas na si Brandon mula sa kusina dala ang kape niya.

Inabot nito sa kaniya ang tasa. “Call center pa rin. Supervisor na ako. Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsayaw sa bridal shower mo, 'no? Ganito kasi iyan… Iyong isa mong friend na si Jasmine, 'yong ate niya ay workmate ko. Naghanap yata si Jasmine ng lalaki na magiging macho dancer sa bridal shower ng friend niya which is ikaw nga, at ako ang kinuha. Sideline lang, kumbaga…”

Tumango-tango lang si Faith at muling tiningnan ang mga pictures sa kaniyang harapan. Manaka-naka’y humihigop siya ng kape.

“Iniisip mo ba kung bakit wala kang picture diyan, Faith?” Napatingin siya kay Brandon sa tanong nito. “Wala diyan. Nandoon sa room ko. Gusto mong makita?”

Kahit hindi pa siya sumasagot ay pumunta na agad si Brandon sa kwarto nito. Wala nang nagawa si Faith kundi ang sumunod dito. Pagpasok niya sa silid-tulugan nito ay napanganga siya nang makita ang mga picture niya na nakasabit sa dingding. May malalaki at maliliit.

“Hindi mo alam na sini-save ko ang mga picture na ina-upload mo sa IG at Facebook mo tapos pinapa-print ko. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nasa puso ko…”

Napapitlag siya nang maramdaman niya ang pagyakap ni Brandon mula sa kaniyang likuran. “Brandon…” At umiwas siya dito. “Siguro mas maganda kung mag-usap na tayo.” Medyo nailang siya dahil sa ginawa nitong pagyakap.

Tumalikod ito sa kaniya at isinarado nito ang pinto. Kitang-kita niya na ini-lock nito iyon. Doon na siya kinabahan.

“U-uuwi na lang siguro ako, Brandon. Gabi na. Hinahanap na ako ni Angelo.” Naglakad na siya. Hindi pa man siya nakakalampas kay Brandon ay hinawakan na nito ang kaniyang braso. Mahigpit at may pwersa.

“Wala na ba talagang pag-asa ang tayo, Faith? Talaga bang magpapakasal ka na kay Angelo?”

Labis na kinilabutan si Faith sa sinabing iyon ni Brandon. Namumungay ang mga mata nito na para bang mahal na mahal pa rin siya nito.

Pumiksi siya pero dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya ay hindi siya makawala. “Brandon, sumama ako dahil ang sabi mo ay gusto mo ng closure! Pero kung ganito lang pala na ipipilit mo iyang pagmamahal mo sa akin ay uuwi na lang ako. Kaya bitiwan mo ako! Kailangan ko nang-- Ugh!” Walang anu-ano’y sinuntok ni Brandon ang sikmura niya.

Nakaramdam siya ng labis na panghihina. Muntik na siyang mapaluhod sa sahig kung hindi pa siya hawak ni Brandon. Mas lalo siyang kinabahan dahil alam niyang may hindi magandang binabalak si Brandon sa kaniya.

P.S. I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon