“I LOVE YOU!!!” hiyaw ni Angelo nang sa wakas ay labasan na siya sa loob ng pagkababae ni Ava. Habang nakapikit siya at sinasabi niya ang mga katagang iyon ay si Faith ang nasa isipan at puso niya.
“I love you too, Angelo…” bulong naman ni Ava sa kaniya. Ang akala yata nito ay para dito ang sinabi niyang iyon.
Umalis na siya mula sa pagkakaibabaw kay Ava at patihayang humiga. Yumakap ito sa kaniya at umunan sa dibdib niya.
Parang gustong saktan ni Angelo ang kaniyang sarili dahil sa ginawa niya. Hindi dapat siya nakipagtalik kay Ava kahit na wala na sila ni Faith. Pakiramdam niya tuloy ay nagtaksil din siya dito. Ginawa din niya ang ginawa nito sa kaniya. Dinagdagan lang niya ng isa pang mali ang isang mali.
Aaminin niya, masyado siyang nagpadala sa bugso ng kaniyang damdamin, sa panunukso ni Ava. Naging mahina at marupok siya sa kaway ng makamundong pagnanasa.
Labis na siyang kinakain ng konsensiya ngayon pa lang. Kailangan na niya itong tigilan habang hindi pa tuluyang lumalaki ang apoy.
Inalis niya ang pagkakayakap ni Ava sa kaniya at tumayo na sa kama.
“Where are you going?” tanong ni Ava.
“Kailangan ko nang umalis, e. Tuyo na naman siguro iyong damit ko, 'di ba? Nasaan ba?” turan niya habang isinusuot ang kaniyang brief.
“Hindi na ba kita mapipigilan?”
“May trabaho pa kasi ako at hindi ako pwedeng wala doon.”
“Okay.” Bakas ang lungkot sa magandang mukha ni Ava. Bumangon na rin ito at hindi man lang itong nag-abalang takpan ang kahubdan nito. “Sumunod ka sa akin. Nasa laundry area iyong damit mo.”
Pinauna niya sa paglabas ng kwarto si Ava. Binitbit na rin niya ang sapatos niya. Naiilang siya na sumunod dito dahil sa wala itong saplot. May nadaanan silang isang babaeng kasambahay sa salas na naglilinis pero parang normal lang dito na ganoon ang ayos ng amo nito.
Diretso sila sa kusina at pumasok pa sila sa isang pinto.
Kinuha ni Ava ang mga nakatiklop niyang damit sa may ibabaw ng isang lamesa. “Here!” Inabot ni Ava sa kaniya ang mga iyon. Nasa ibabaw ang kaniyang wallet at susi ng kotse niya.
Inabot naman niya iyon at inamoy. “Tuyo na agad? Ang akala ko ba ay--”
“I lied! Kagabi pa iyan tuyo. Ayaw ko lang kasi na umalis ka. Sorry, Angelo…” Maarteng nag-pout pa ito sabay lapit sa kaniya.
Akmang hahalikan sana siya nito pero iniiwas niya ang kaniyang labi.
“Why? Something’s wrong?”
“Wala naman. Kailangan ko na talagang umalis, e.” Tumalikod siya dito at nagbihis na. Matapos magbihis ay humarap na ulit siya kay Ava para magpaalam. “Alis na ako, ha. Maraming salamat, Ava!”
Hindi na niya hinintay na magsalita ito at tinalikuran na niya ito. Naglakad na siya palabas ng bahay at ramdam niyang nakasunod sa kaniya si Ava. Pagkalabas niya ng bahay ay tinawag siya ni Ava.
“Bye, Angelo! I’ll see you again!” Kumaway ito sabay flying kiss.
Tanging ngiti lang ang iginanti niya kay Ava. Tinungo na niya ang kaniyang kotse. Sumakay doon at pinaandar iyon paalis sa lugar na iyon.
-----ooo-----
HABANG nakikipagtalik si Angelo kay Ava ay walang ibang nasa isip niya kundi si Faith lamang. Iniisip niya na ito ang kaniyang hinahalikan at hinahaplos. Inisip din niya na baka naman pwedeng si Ava na lang ang ipalit niya dito at pakasalan sa darating na panahon. O hindi kaya ay ibang babae. Pero nang maisip niya na ibang babae ang makakasama niya hanggang sa pagtanda ay tumutol ang kaniyang puso. Hindi niya kayang hindi si Faith ang kaniyang makakasama sa habangbuhay.
BINABASA MO ANG
P.S. I Love You
Mystery / ThrillerHiniwalayan ni ANGELO si FAITH dahil sa nagawa nitong kasalanan bago ang kanilang kasal. Sa panahon na malungkot si Angelo ay nakilala niya si AVA. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang sakit na nararamdaman dahil sa masayahing babae. Hanggang sa ma...