NILUNOK na ni Faith ang kaniyang kahihiyan at humingi na siya ng tulong sa kaibigan niyang si Sandra para kahit pansamantala ay meron siyang matutuluyan. Mag-isa lang kasi ito sa bahay nito kaya ito ang naisipan niyang puntahan. Kesa naman sa pamilya niya. Hindi pa siya handang humarap sa mga ito dahil sa kahihiyan na nakakabit ngayon sa pangalan niya. Hindi na rin siya naglihim kay Sandra. Sinabi niya dito ang katotohanan lalo na ang tungkol kay Brandon.
Magkausap silang dalawa ni Sandra sa salas. Dinulutan siya nito ng tubig dahil napagod siya sa pagkukwento dito ng nangyari.
“Naku, kung alam ko lang naman na may past pala kayo ng Brandon na iyon, hindi na lang 'yon ang kinuha namin no’ng bridal shower mo. Kaya naman pala nagmamadali din siyang umalis nang umalis ka. Iyon naman pala ay may masamang balak sa’yo!” Halata ang inis sa mukha ni Sandra habang nagsasalita ito. Umupo ito sa tabi niya.
“Hayaan mo na. Tapos na, e. Wala naman kayong kasalanan kasi hindi niyo naman alam kung sino si Brandon…”
“E, ano nang plano mo ngayon, Faith? Paano na ang kasal ninyo ni Papa Angelo?”
Huminga nang malalim si Faith. Napailing siya. “Hindi ko na rin alam. A-ang sabi ni Angelo ay hindi na niya ako kayang pakasalan pa. Nahihiya daw siya sa sasabihin ng ibang tao dahil sa sex video ko na kumakalat ngayon. Kahit naman ako ay nahihiya nang magpakita sa mga tao. W-wala na akong mukhang maihaharap sa lahat, Sandra! Sirang-sira na ang buhay ko,” malungkot niyang sabi. Gusto man niyang umiyak ng sandaling iyon ay tila ubos na ang luha niya.
Hinimas siya ni Sandra sa likod. “Ano ka ba? Huwag kang mawalan ng pag-asa. Galit lang siguro si Angelo kaya niya iyon nasabi. Kapag humupa din ang lahat, makikita mo at magkakabalikan ulit kayo at matutuloy na ang kasal ninyo. Aba, hindi pwedeng hindi matuloy iyon, 'no! Natahi na ang gown ko. Bride’s maid mo ako, remember? Rarampa pa ako sa kasal mo!” anito.
Kahit papaano ay napangiti siya. “Thank you, ha. Sana nga magdilang-anghel ka. Kahit papaano naman ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na papakinggan ni Angelo ang paliwanag ko at magkakabalikan ako. Sana ay manaig ang pagmamahal niya sa akin…”
“Hayaan mo, kapag alam kong kalma na si Angelo ay kakausapin ko siya. Mapapatawad ka rin niya lalo na’t alam naman niya na buntis ka.”
“Pero nagdududa siya kung kaniya ba talaga ito, e. Alam ng Diyos na kay Angelo ang bata na nasa sinapupunan ko. Isang beses lang na may nangyari sa amin ng hayop na Brandon na iyon, nitong huli lang. Kaya imposibleng sa hayop na iyon ang anak ko!”
“Naniniwala naman ako sa iyo, e. Basta kapag kumalma na ang lahat, sabihin mo iyan kay Angelo. Hayaan mo muna siya ngayon na mag-isa para makapag-isip siya…”
-----ooo-----
MASAKIT para kay Angelo na paalisin si Faith sa apartment nila at makipaghiwalay dito. Masakit din na nagdesisyon siya na hindi na matutuloy ang kasal nila. Ngunit mas masakit pa rin ang ginawa sa kaniya ni Faith. Kung noon ay nagawa niya itong mapatawad pero ngayon ay hindi na niya alam kung makakaya pa niyang gawin iyon. Napakasakit na makita niya na nakikipagtalik ito sa ibang lalaki at sa lalaking naging dahilan pa ng muntik na nilang paghihiwalay. Parang inulit lang nito ang pagkakasala nito sa kaniya noon ngunit sa pagkakataon na ito ay mas matindi at mas masakit!
Parang panaginip lang ang lahat. Hindi niya matanggap na matapos niyang mahalin ng totoo si Faith ay magagawa na naman siya nitong lokohin.
Gustuhin man niyang maniwala sa sinabi nito sa kaniya na hindi nito gusto ang nangyari at pinwersa lang ito ni Brandon kaya may nangyari sa dalawa. Pero hindi kayang tanggapin ng puso niya na inilihim nito ang bagay na iyon sa kaniya. Maiintindihan pa sana niya ito kung nagsabi agad pero. Pero, hindi. Mas pinili nitong maglihim at magsinungaling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
P.S. I Love You
Mystery / ThrillerHiniwalayan ni ANGELO si FAITH dahil sa nagawa nitong kasalanan bago ang kanilang kasal. Sa panahon na malungkot si Angelo ay nakilala niya si AVA. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang sakit na nararamdaman dahil sa masayahing babae. Hanggang sa ma...