CHAPTER TEN

3.7K 127 31
                                    

ANG pag-aakala ni Faith na tahimik na ang buhay nila ni Angelo ay gumuho dahil sa isang box. Nagising na naman ang takot niya sa dibdib na baka isang araw ay may hindi na naman magandang mangyari sa kanila. Ngunit sino nga ba ang maaaring magpadala ng ganoong bagay sa kanila? Si Ava? Pero imposible dahil matagal na itong patay. Si Brandon? Ang huli niyang balita ay nasa ibang bansa na ito at doon na nagtatrabaho. Nakita pa nga niya ang mga post nito sa Facebook at Instagram na wala talaga ito sa Pilipinas at alam niyang hindi mga peke ang post na iyon. Agad niya kasing tiningnan ang social media accounts ni Brandon para makasiguro siya na wala nga ito sa bansa.

Simula nang matanggap nila ang kahon ay hindi na nakapag-isip ng maayos si Faith. Palagi siyang kinakabahan at hindi makatulog. Madali sana kung ang poprotektahan lang niya ay ang sarili at si Angelo pero iba na ang sitwasyon ngayon. May anak na sila na malaki ang posibilidad na madamay.

Upang makasiguro na hindi isa sa mga bisita nila ang nagpadala ng naturang kahon ay isa-isang tinawagan ni Angelo ang mga dumalo sa birthday party ng anak nila. Walang nagsabi na sila ang nagbigay ng malaking kahon at mukhang nagsasabi naman ng totoo ang lahat.

Kaya naman para na rin sa kanilang seguridad ay nagpalagay sila ng CCTV sa kanilang bahay. Nakiusap na rin sila sa pamunuan ng kanilang baranggay na kung maaari ay tingnan-tingnan ang kanilang bahay lalo na sa gabi. Wala pa man silang suspek kung sino ang nagpadala ng kahon at kung ano ang intensiyon nito ay mabuti na rin ang sigurado sila.


-----ooo-----


BIYERNES ng umaga. Naghahanda na si Faith para pumunta sa doktor ng kaniyang anak. Inuubo kasi ito kaya ipapa-check-up niya. Nagpa-schedule na naman siya kahapon pa at may lakad ang doktor ng tanghali kaya kailangan talaga nilang agahan. Nag-commute na lang silang mag-ina. Tumawag na lang siya ng taxi para hindi maalikabukan si Angel Faye. Sensitibo pa naman ang mga baby sa dumi sa paligid lalo na at may ubo ang anak niya.

Naging mabilis naman ang pagdating nila sa clinic ng doktor dahil hindi ganoon ang traffic. Natingnan naman agad si Angel Faye at niresetahan lang ito ng gamot at vitamis. Bukod sa ubo ay maayos naman daw ang kalusugan ng anak niya at labis niya iyong ikinatuwa.

Sa panahon na katulad ng ganito ay ang anak at si Angelo na lang ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob. Malakas talaga ang kutob niya na may banta sa buhay nila kaya dapat ay nag-iingat siya.

“Basta painumin mo lang ng gamot na inireseta ko si Baby Angel Faye, ha. Don’t worry. She’s healthy naman. Bumalik na lang kayo next week para sa follow up check-up,” nakangiting sabi ng doktor nang paalis na sila.

“Okay po, dok. Maraming salamat!”

Dumaan muna si Faith sa isang drugstore para bilhin ang gamot at vitamins ni Angel Faye. Pauwi na sana siya nang maisipan niyang puntahan si Angelo sa opisina nito para makita nito ang anak nila. Personal na rin niyang sasabihin dito ang naging check up nito.

Bumili muna siya ng pagkain sa isang fastfood dahil malapit na rin ang tanghalian. Mabuti na lang at may baon siyang gatas ni Angel Faye kaya hindi rin ito maguguto. Muli, sumakay siya ng taxi papunta sa opisina ng kaniyang asawa. Pagdating niya doon ay nakasalubong niya palabas si Danica. May bitbit itong isang kahon. Walang takip ang kahon kaya nakita niya na mga gamit nito ang laman niyon.

“Good morning po, ma’am!” salubong ni Danica sa kaniya.

“Good morning din.”

Inilapit nito ang mukha sa mukha ng anak niya. “Hello, Angel Faye! Ang ganda-ganda naman talaga ng babay na 'yan! Saan ka galing, ha?”

“Nagpa-check up dahil sa ubo,” siya na ang sumagot. “Bakit pala dala mo na yata ang mga gamit mo?”

Tiningnan ni Danica ang kahon ng nakangiti pero may lungkot sa mata. “Nag-resign na po ako. May offer po kasi na work sa abroad at mas malaki ang sahod doon. Gusto ko man na dito na lang ako kay Sir Angelo kasi mabait naman siya tapos kasama ko pa anak ko, e, kailangan ko rin na maging praktikal. Lumalaki na rin kasi ang anak ko, ma’am, kaya dapat ay mas kumita ako ng malaki…”

P.S. I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon