CHAPTER EIGHT

2.4K 79 6
                                    

GUSTO nang maghisterikal ni Faith ng sandaling iyon pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Tumakbo na si Angelo sa kaniya para yakapin siya at pakalmahin. Agad naman tinungo ng wedding coordinator ang music room kung saan naroon ang taong nagpapatugtog. Mukhang pinatay na nito ang nakakakilabot na awiting iyon dahil sa nawala na iyon.

Hindi pa man sila nakaka-recover mula sa pangyayaring iyon ay isang kulay itim na van ang huminto sa harapan ng simbahan. May apat na lalaking bumaba doon at binuksan ang likuran ng naturang van. Nagtayuan ang balahibo ni Faith nang isang kulay itim na kabaong ang ibinaba ng mga lalaki. Inilagay ng mga iyon ang kabaong sa may harap ng pintuan ng simabahan.

"Hoy!" sigaw ni Angelo sa mga ito pero mabilis na sumakay ang mga lalaki sa van at umibis agad iyon paalis.

Nilapitan ng mga tao ang kabaong kasama na sila ni Angelo. Nakakapit siya sa braso ni Angelo dahil pakiramdam niya ay manghihimatay na siya. Nanghihina siya sa mga kakaibang nangyayari mismo sa araw ng kasal nila.

May nakita silang card sa ibabaw ng kabaong. Kahit natatakot ay kinuha pa rin iyon ni faith at binasa ang nakasulat.

This is my gift for the both of you!
Ava

"Ano ba 'yan? Bakit may kabaong?" narinig niyang tanong ng mga tao.

Nagkatinginan sila ni Angelo at nang tumango ito ay tumango rin siya. Yumukod si Angelo at binuksan nito ang kabaong. Nanlaki ang mata nilang lahat nang makita nila ang nasa loob ng kabaong! Isang bomba na may timer! At sampung segundo na lang ang natitirang oras para sumabog iyon!

"May bomba!!!" sigaw ni Angelo.

Nagkagulo ang lahat ng tao. Nagsigawan at tumakbo sa kung saan-saan. Siya naman ay hinawakan ni Angelo sa kamay at hinila palayo sa kabaong. Pumasok sila ulit sa simbahan at isinarado ang pinto. Lahat ay nagpunta sa unahan ng simbahan. Natumba na ang ilang upuan at nasira na ang mga bulaklak na nakapalamuti sa paligid. Lahat ay iniisip ang kanilang kaligtasan.

Iyak na lang nang iyak si Faith dahil nasira na ang isa sa pinaka importanteng araw sa buhay niya. Nagtagumpay si Ava na sirain ang kasal nila ni Angelo! Napaka hayop talaga ng babaeng iyon. Talagang sa mismong kasal pa niya ito nanggulo. Malamang, ito rin ang may pakana ng pagpapatugtog ng kantang iyon habang naglalakad siya papalapit kay Angelo.

Lumipas na ang isang minuto pero wala naman silang narinig na pagsabog. Nagbulungan na ang mga naroon. Bakit daw hindi naman yata sumabog iyong bomba na nasa kabaong.

Naghintay pa sila ng ilang minuto at nagdesisyon na si Angelo na lumabas.

"Babe, 'wag na. Tumawag na lang tayo ng pulis," pigil niya dito. "B-baka kung anong mangyari sa iyo sa labas."

"Huwag kang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko. Isa pa, nakakahiya sa mga bisita natin. Natakot na sila. Dito ka lang. Okay?"

Wala nang nagawa si Faith kundi ang hayaan si Angelo sa paglabas ng simbahan. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya dahil sa labis na takot at kaba. Oo, inisip niya kanina na baka may hindi magandang mangyari sa kasal niya pero hindi naman ganitong bagay. Napakalaking abala ang ginawa ni Ava sa kasal niya!

Lumabas na si Angelo ng simbahan. Makalipas lang ang ilang sandali ay bumalik na ulit ito sa loob. "Wala na po tayong dapat ikatakot. Peke po ang bomba na nasa labas. Hindi na po ito sasabog. Pero para sa seguridad nating lahat ay tatawag na din po ako ng mga pulis. Pwede na po nating ituloy ulit ang kasal!" deklara ni Angelo sa lahat.

-----ooo-----

"MASAYA talaga ko na finally ay kasal na silang dalawa. Aba, kung hindi pa papakasalan ng BFF ko na si Faith si Angelo ay ako na ang magpapakasal kay Angelo, 'no! Crush ko kaya siya dati!" Hindi magawang ngumiti ni Faith sa mensaheng iyon ni Sandra sa kaniya sa reception ng kanilang kasal na ginaganap sa isang hotel. Hindi dahil sa hindi siya natatawa sa sinabi ni Sandra kundi dahil iniisip niya pa rin iyong nangyari kanina sa simabahan.

P.S. I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon