STORY SYNOPSIS

1.9K 50 10
                                    

STORY SYNOPSIS:

DELILAH MERCADO ,paano kung isa kang rebelde na mas piniling tumira sa squatters' area, nabubuhay ka ng delikado pero masaya ka sa piling ng di mo totoong pamilya.. Sanay ka sa laro ng kalsada, sa trip ng mga tambay, sa amoy ng mga nabubulok na basura at lason sa hangin na nalalanghap mo tuwing may sinusunog na plastic. Sabi mo pa nga 'wala na kong mahihiling pa.. Ang sarap mabuhay..'

Hanggang isang araw, may natagpuan kang isang matipunong pangangatawan ng isang nilalang sa bundok ng basura sa lugar niyo..

Ang masakit pa non, tinulungan mo na, kinukulit ka pa. Di mo talaga magets bakit gusto niyang pumasok sa buhay mo.

Tapos pagpinagbigyan mo naman parang tanga, nanloloko lang pala.

Pag iniwan mo, hinahanap hanap ka.

Yung tipong busy siya pero may gana pa siyang mantrip?

Parang abnormal?

Hambog.

Masama ugali.

Siraulo.

Pero totoo. Sa lahat ng mayaman siya lang ang namumukod tanging nagustuhan mo.

Panu pag dumating yung time na ok ka na sa kanya.

Alam mong, mula sa pagiging abnormal ay naging normal din siya sa paningin mo sa wakas.

Yung everything is going smooth na?

Tapos malalaman mong may time limit pala?

Kamote diba?

PANO KUNG, umamin siya sayo.

Anung aaminin?

Pag nalaman mo ba,

Masasaktan ka?

Matutuwa ka?

Oh lalo ka lang maiinis sa totoong buhay na dapat nakalaan sayo?

Ang gulo diba?

Ganun talaga pag synopsis.

San ka naman nakakita ng Artista sa basurahan..?

HELLOOO?!

Siya lang ang ganun. Kasi kakaiba siya. PAIN GUEVARRA. Pangalan palang sakit na sa ulo.

***

PAIN GUEVARRA,what if, You are an artist by name, pero ang puso mo ay insearch sa mga magulang mong nakalimutang gumawa sila ng tao?

Tapos lalaki ka ng kasama ang manager mong pasalamat ka na lang at napagtiyatyagaan ka pa. Lahat ng tao pinagtyatyagaan ka lang. Lahat ng nakakakilala sayo ng personal.

Kung pwede lang manghatak ng kahit na isa lang sa mga fans ko tapos sasabihin kong,

"Pwede niyo ba kong ampunin? Wala kasing nagmamahal sakin eh." ginawa ko na sana.

Hanggang sa makilala ko yung babaeng may korning pangalan. Si Delilah. Napakabaho niya! nagkakalkal siya ng basura yun yata ang indemand na trabaho sa kanila.

Yung si Delilah, Akala mo kung sinong maganda! Tsk. Ang lakas magsalita, wala namang binatbat. Takot din naman.

Eh anu naman kung artista ako? Lahat ba ng ginagawa ko ibig sabihin 'pag-arte lang' agad?

Akala niya lahat na ng problema nasa kanya. She's so self centered.

DI PORKET NAKATIRA SIYA SA SQUATTER ALAM NIYA NA LAHAT NG MGA MAKAMUNDONG BAGAY!

Akala niya di ko malalaman kung sino talaga siya?

Akala niya matatago niya ang sarili niya sa likod ng mga barong-barong na mga bahay na yun?

Akala niya ba malaki ang mundo?

Kalokohan.

Kung gusto niyang magtago sana nag effort man lang siyang magmigrate. Tanga tanga..

Akala niya lahat tungkol sa pag-ibig porket may aaminin ako?

Huh!  kung ganon. Nababaliw na siya.

Naipagkait nga sakin yun ng mga magulang ko eh. Siya pa kayang ang tingin sakin ay masamang tao..?

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon