Take 18- Hindi Sinasadya

225 9 0
                                    

Take 18- Hindi Sinasadya

Pain’s POV

Hindi na kami ulit nag-usap ni Delilah, busy siya sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay. Malapit na ring ilibing yung Tatay nila.. Pinanuod ko lang siya mula sa malayo.. I am only allowing myself to watch her from afar.. Para hindi na maulit yung nangyari kanina.. I don’t know what am I thinking, as well as, hindi ko din alam kung anong iniisip ni Delilah kanina..

Nagtago ako sa malayo, hindi ko alam kung napansin niyang wala na ako.. Hindi ko dinala yung kotse ko.. Nandito lang naman ako sa may poste hindi kalayuan sa bahay nila..

TInignan ko lang siya, matapos niyang umiyak, look how she’s helping her Family, nakakabilib ang tatag ng loob niya, within 1 week she was able to somehow surpass the pain of loosing somehow who’s dear to her.. Pero ako? Inabot ako ng dalawang taon bago ko matanggap at maayos ang sarili ko, masyado kong naisip ang pagguho ng mundo ko nung namatay si Ate..

Naghanda na ang lahat sa pagdadala ng kabaong nung Tatay ni Delilah sa Sementeryo..

Habang naglalakad, si Delilah mejo nasa dulo siya.. Siya lang mag-isa..

Gustong gusto ko na siyang lapitan at sabayan sa paglalakad, pero parang may pumipigil sakin..

Kaya sumunod nalang ako ng dahan-dahan..

Pagdating sa Sementeryo.. Nagdasal na sila.. Ganun pa rin, nasa malayo pa rin ako.. At napansin kong umiiyak nanaman siya.. Pero yung sumunod na nangyari ang hindi ko inaasahan..

Dumating si Yuan at hinawakan niya yung kamay ni Delilah.. Bakit siya nandito?

May sinabi si Yuan na nakapagpadilat kay Delilah at dahilan para tumingin siya kay Yuan.. Gulat at malungkot yung mukha niya nang makita niya si Yuan..

Nginitian siya ni Delilah tapos may sinabi nanaman siya.. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila.. Kainis!

**

Umalis na yung iba nung nailibing na yung Tatay nila Delilah, pero naiwan yung Pamilya nila dun..

Nakita kong ipinakilala ni Delilah si Yuan sa Pamilya niya.. Curious ako kung anong sinasabi niya tungkol kay Yuan, baka naman mas gusto na siya ng pamilya ni Delilah kesa sa akin!

H-ha? A-anong sabi ko? Aish..

Mejo lumayo si Delilah at lumingon lingon sa paligid.. Anong hinahanap niya?

Tapos maya maya lang nilapitan nanaman siya ni Yuan..

May sinabi sa kanya si Yuan tapos nginitian siya ni Delilah at sabay silang naglakad pabalik.

Argh! I hate this! Bakit hindi ko marinig pinag-uusapan nila?! Hinahanap man lang ba ako nitong babaeng to?! Hindi ba siya nag-aalala na baka nakidnap na ako, nahold up o ano?! Wala ba siyang paki sakin?! Galit ba siya? Mas Masaya ba siya pag kasama niya si Yuan?! Tokwa.

Nag-usap usap sila tapos umalis na rin yung Nanay ni Delilah pati yung mga kapatid niya, sila nalang ni Yuan yung naiwan dun. Tsk!

Humarap si Delilah sa puntod ng tatay niya, may sinasabi siya tapos bigla niya nalang tinakpan ng mga kamay niya yung mukha niya, napansin kong nagtataas baba yung balikat niya, siguro umiiyak nanaman siya..

Napaclosed fist ako, inakbayan siya ni Yuan..Bakit ba lagi niya nalang hinahawakan si Delilah?!

Sumandal naman si Delilah sa kanya! Nakakainis na talaga ah!

Nag-usap sila tapos hinatak niya si Yuan palayo! Bakit?! Anong gagawin nila?! San sila pupunta?!

Sinundan ko sila , pero nung makita ko, pasakay na sila sa motor ni Delilah at nakakapit nang mahigpit si Yuan sa kanya.. Argh!

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon