TAKE 3- What Love is-

328 16 6
                                    

TAKE 3- What Love Is

Delilah’s POV

Hindi ako makatulog. Hays. Hindi ako sanay sa ganitong lugar. Walang ipis na gumagapang, walang dagang pumupuslit, walang pusang naglalambingan sa bubong. Walang kapatid na sumisipa sa mukha ko.

Uwi na kaya ako?

Sige uwi nalang ako.

Hindi na ko magpapaalam. Tulog naman na ata yung madaldal kong amo eh.

Tumayo na ko at lalabas na sana kaso...

“Akala ko natutulog kana?” –ako

Biglang lumabas si Daldal sa kwarto niya

“Saan ka pupunta?”

“Ah eh—uuwi na sana ako.”

“Ha? Bakit? Hindi ka ba makatulog sa sofa? Dun ka na sa kama dito nalang ako.”

Nice! Ang bait! Patulan ko kaya? Ang laki pa naman ng kama ng daldal nato. Kasya kaya kaming buong pamilya sa kama niya? Arborin ko kaya yung kama niya?

“Hindi. Hindi naman yun eh.”

Hanep bait ko naman. Babaeng babae ako dun ah.

“Eh ano?”

“Masyadong malinis tong lugar mo hindi ako sanay.”

“Sus. Dumito ka na. Hindi ka din ba makatulog? Tara magpuyat nalang tayo.”

Mahal na mahal naman ako nito. Ayaw akong malayo sa piling niya *suka dugo with feelings*

“Eh? Diba may trabaho ka pa bukas?”

“Nah. Wala lang naman sakin yun. Kailangan ko lang naman makipag Date dun sa babaeng desperada sakin.”

Maka-desperada naman to. Akala mo kung sinong gwapo!

“Brr.. Humangin. Gwapong gwapo ka naman sa sarili mo.”

“Hoy Gwapo talaga ako, tsaka talaga namang desperada siya ah, alam niyang artista siya kaya kung anong sabihin niya madaming maniniwala. Sabihin ba namang niliigawan ko siya? Eh ni hindi ko nga masikmura yung kaartehan niya sa set eh.”

Akala mo naman siya hindi umaaarte. Magmalinis ka pa lilibagan kita dyan!

“Oh. Dat sinapak mo.”

“Napakaganda mo talagang kausap—“

“Maganda naman talaga ako.”

Aangal ka? Lalayasan kita.

“Ewan ko sayo. Ano ng gagawin mo niyan?”

“Ikaw ba? Ano bang pwedeng gawin dito sa lugar niyo ng ganitong oras? Ang lamig pa naman, kaya lang tayong dalawa lang nandito. Anong gagawin natin?”

Gusto ko sanang maligo. Yung mainit na tubig? Alam ko meron sya nung bathtub na nakita ko sa TV kanina eh. Gusto ko lang itry may lumalabas na maligamgam na tubig dun eh, di tulad dun samin Isang oras bago ka makaligo ng mainit na tubig, magpapakulo pa kasi.

“Alam ko na. Total hindi ko pa naman nararanasan yon, sa ganitong klase ng lugar tingin ko naman pwedeng gawin yun.” –ako

Ang ganda ganda ng bahay niya malamang may ganun dito no?

“A-anong sinasabi mo dyan?”

Nakita ko yung mukha ni daldal.

Bat namumula yan?! Umaandar nanaman siguro kamanyakan nitong taong to. “Paligo ako, nakita ko sa TV yung mga ganitong lugar meron kayong yung maliit na swimming pool na naglalabas ng mainit na tubig.”

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon