TAKE 1-Delilah Mercardo-

599 22 10
                                    

TAKE 1-Delilah Mercardo-

*Delilah's Pov*

Hindi ko naman kailangang maging mayaman. Basta masaya ko sa piling ng pamilya ko. Solb na ko.

Ayokong maging mayaman,sikat,maganda, kapuripuri.. Sabi nga nila.. 'masama ang sobra' kahit naman sobrang pagpapala nakakasama rin.

Dahil masyado ng mataas ang tingin mo sasarili mo. Mahirap ng tumingin sa baba. Lalo na kung takot kang mahulog.

Ok lang naman talaga kung mahirap ka, mas maiintindihan mo ang buhay. Dahil nakakasalamuha mo ang ibat ibang dagok na binibigay ng pagkakataon.

Ang nanay ko ang nag aalaga sa bunso naming kapatid. Minsan tumatanggap siya ng labada para pangdagdag kita.

Tinutulungan siya ni Jelyn, pang 4 saming magkakapatid, siya nalang ang nag aaral. Elementary.

Si tatay naman ay pedicab driver. Madaling araw palang umaalis na siya at gabi na kung umuwi. Pero ganun pa rin, konti lang ang kita.

May kuya ako, si Kuya Ranil 25 na siya.. Sumaside line sa construction.

Kami naman nung kapatid kong sumunod sakin na si Karen, kami ang pumupunta sa tambakan ng basura at kumukuha ng mga pwedeng ibenta.

At ang bunso namin na si Jabi.. 5 buwan na..

Mahirap lang kami. Di ko naman nainterview yung daga para masabi kong mas mahirap pa kami sa kanya.

Pero, kapos kami, sa araw araw. Hindi kami nabibigyan ng pagkakataong bumili ng kahit na ano para sa mga sarili namin.

Malayo kami sa maingay at magulong mundo ng kapitbahay naming syudad.

Ignoranteng lubos sa mga nangyayari sa mas malaking mundo.

Kasi ang mundo namin, Masikip. Mabaho. Madumi. Mahirap.

At ganun lang sa araw-araw.

Kaya hindi pa rin ako makapaniwala kung panu nakaabot ang langit dito.

Napakalayo ng distanya namin. Napakalaki ng agwat.

MAGKAIBA ANG MUNDO.

Pero, nagkita pa rin..haays..

"Ate, tara na?"

"Sige, tara.."

binaba ko na sa lamesa yung basong may tirang kape ng mga kapatid ko, at tumayo na ko para samahan ang kapatid kong si Karen papunta sa tambakan.

Kailangang humanap ng kalakal.

Wala ng pambili ng bigas, at gatas ni Jabi,

"Nay alis na po kami."

"Sige mag ingat kayo ah, pumasada na ang tatay niyo kanina pang madaling araw. Dalhan niyo nalang ng tubig, at dalawang pirasong tinapay, para naman kahit papano ay magkalaman ang tiyan.. Di na uuwi yun para sa tanghalian panigurado."

"Ok po nay. Okidoks! Layas na kami!"

Kinuha na namin ni Karen ang sako at pangkawit namin at dumiretso na kami ng tambakan.

Di naman yun kalayuan sa bahay namin, saktong pagkadating namin eh, paparating na rin yung trak ng basura kaya nag abang na kami agad ni Karen,

"Oh tabe tabe!" tapos binagsak na yung mga basurang laman ng trak.

"Tara na..!" at nag umpisa na nga kaming kumuha ng mga pwedeng ipangkalakal.

***

3 oras kaming nagkalkal ni Karen, bago magtanghalian naglakad na kami papuntang junk shop para ibenta yung mga nakuha namin.

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon