Take 13- Had a Fight

303 9 0
                                    

Take 13- Had a Fight

Delilah’s POV

Kanina pa, kanina pa talaga mabilis ang tibok ng puso ko..

Ayoko sanang maniwala pero..

“Gusto mo nito?” tanong sakin ni Daldal..

Tinatanong niya ako kung gusto ko nung Cotton Candy..

Inirapan ko nalang siya..

Tinignan ko siya..

Nagkibit balikat siya at siya nalang kumain nung Cotton Candy..

Parang.. ugh.. Gusto ko na siya..

Wag naman sana.. Hindi kami talo. Ang ganda ko. Bakla siya. Oo Delilah eh..Haayss.. Pero kanina talaga.. Yung pang-asar niya sakin.. Nung lumapit yung mukha niya sakin.. Nung magtama ang mga katawan namin... Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko.. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.. Yung mga pag ngiti niya pa kanina.. Yung mga sinasabi niya sakin.. Nung binuhat niya ako non.. Nakatulog ako pero naramdaman ko, at narinig ko ang boses niya.. Nung sinabi niyang ipapasyal niya ako.. Yung mga ginagawa niya para sa akin..

BAKIT DELILAH?!!

Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya!

Mayaman siya!

Galit ka sa mayayaman diba?!

Hindi mo siya pwedeng magustuhan!

Tigilan mo na habang maaga pa.. Pigilan mo na.. Imposible rin namang magustuhan ka niya.. Sabi niya nga, tagabundok ka, basurera ka lang.. P.A ka lang niya..

“Uy! Bat ang lalim ng iniisip mo dyan? Iniisip mo ko?”

Ang yabang niya.

“Bakit? Malalim ka ba? Tsk.”

“Ay nako! Haha! Know what? You can be cute at times..”

Ano daw?! Ako?! Cute?! Ha-ha! Ano ako? Aso?!

Kala mo kinilig ako porket sinabihan mo ako ng cute ako minsan?!

Hindi din.

Sinundan ko na siya..

Sabi niya kanina, COUPLE daw! Tapos iniiwan niya ako! Mabuti pang si Yuan nalang ang nagsama sakin eh!

Ay kaya lang, isa pa pala yun.. Ang weird niya..

Ngayon ko lang siya ulit nakita simula nung nagkatinginan kami bago kami umalis, nung nagdrama ako sa Set nila..

Parang may sarili ring trip si Yuan..

*Flashback*

“Pagtapos mo dyan, maligo ka na.. Aalis tayo..”

Napatigil ako sa pagkain at tinignan ko siya..

Ano nanamang iniisip nitong Daldal na to?

“Wala ka bang trabaho ngayon? Bakit tayo aalis?”

Ngumiti nanaman siya! Ano bang nangyayari dito?

Kanina pa ngiti ng ngiti! Oo na! Ikaw na pang model ng toothpaste!

Pinagmayabang pa yung ngipin. -__-

“Naahh.. May Mission ako ngayong araw..”

Ano ka? James Bond lang?

“Ano naman?”

“Ang pangitiin ka.. Mag-eenjoy tayo.. Enough with the stress.. Easyhan lang natin.. Right Delilah?”

*Dugdug..dugdug..*

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon