Take 21- Father's Advice

217 10 0
                                    

Take 21- Father’s Advice

Pain’s POV

Sobra na!

Eh anu naman kung artista ako? Lahat ba ng ginagawa ko ibig sabihin 'pag-arte lang' agad?

Akala niya lahat na ng problema nasa kanya. She's so self centered.

DI PORKET NAKATIRA SIYA SA SQUATTER ALAM NIYA NA LAHAT NG MGA MAKAMUNDONG BAGAY!

Akala niya di ko malalaman kung sino talaga siya?

Akala niya matatago niya ang sarili niya sa likod ng mga barong-barong na mga bahay na yun?

Akala niya ba malaki ang mundo?

Kalokohan.

Kung gusto niyang magtago sana nag effort man lang siyang magmigrate. Tanga tanga..

Akala niya lahat tungkol sa pag-ibig porket may aaminin ako?

Huh!  kung ganon. Nababaliw na siya.

Naipagkait nga sakin yun ng mga magulang ko eh. Siya pa kayang ang tingin sakin ay masamang tao..?

**

Nakakainis! Nakakapag init ng ulo! Ng dugo! Ng lahat na!

Bakit niya ba ako pinapahirapan?! Naiinis na ako dyan sa Pride niya na mas matangkad pa sa akin!

Tapos sinampal pa ako! Pakingtape. Ako na nga nagmamagandang loob dito tapos ako pa inaway! Unfair! Ang unfair mo Delilah! Hmp!

*Flashback*

Pagkatapos kong malaman yung tungkol kay Delilah—I mean Alice.. Nag-isip na ako ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya, hindi kaya ng konsensya kong itago lahat to mag-isa.

Gusto ko ring tulungan si Papa na magkaayos na sila..

Kaya lang, I’ve been trying to contact her, pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko, hindi din siya nagrereply sa mga texts ko, ano? Hanggang kelan niya balak gawin yung ganitong set-up?

I texted her na kailangan ko siya, dahil may nawawala sa mga gamit ko, pumunta siya..

*ding..dong..*

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto..

Tinignan niya lang ako with those emotionless eyes, tapos tuloy tuloy na siya sa loob at dumiretso sa kung nasaan yung mga gamit ko..

“Ano ba yung nawawala?”

Lumapit ako sa kanya..

“Hey hey..”

“Ano yung sinsabi mong nawawala?”

“Teka nga, tumigil ka muna dyan!”

Hinawakan ko siya sa braso at pinaharap sa akin.

“Ano?! Sabi mo may nawawala?!”

“Makinig ka muna sakin pwede?! Walang nawawala!”

“Ay putcha. Naglolokohan lang pala tayo dito eh.”

Kinuha niya na ulit yung gamit niya at naglakad na palabas, pero pinigil ko siya syempre ang hirap niya kaya papuntahin!

“May aaminin ako! May kailangan kang malaman..”

Napatigil siya sa paglalakad tapos humarap siya sa akin.

“Ano?”

Lumapit siya sakin. As in, malapit na malapit. Nakatingin lang siya sa mata ko..

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon