Take 8- Umiyak ka lang

242 9 0
                                    

Take 8- Umiyak ka lang

Pain’s POV

Lumipas ang Death Anniversary ni Ate, hindi na ako ulit umiyak buong araw, Delilah kept me company..

“Hoy!”

“Hoy ka rin! Amo mo ako baka nakakalimutan mo!”

“Kung ganon bayani mo ako dahil niligtas ko buhay mo?”

“Buhay agad? Hindi pwedeng mukha muna?”

I wasn’t able to attend my shoot yesterday and Today, hindi pa kasi magaling yung mga pasa ko, langyang mga magnanakaw na yun! Maninira pa ng Asset! Paano nalang pag hindi na bumalik sa dati ang mukha ko?! Ok lang, gwapo pa rin ako.

“oh Lutang ka nanaman, paliliparin na kita eh. Magluto ka nga!”

“Aba! Inuutusan mo ako?!”

“Oo bakit?! Bumawi ka naman! Sumakit katawan ko sa pakikipagbugbugan kagabi gawa mo! Tapos binuhat pa kita papunta sa kotse mo at dito sa Unit mo! Akala mo ang gaan mo?! Nako! Mas mabigat ka pa sa Sampung sako ng bigas!”

Magaling na pala ako.. Namimihasa na siya sa kakasermon sa akin.

*Flashback*

Pagkatapos niyang ligpitin yung mga ginamit niya sa pagpupunas sa akin, pinainom niya na ako ng gamot at pinakain ng Sopas..

“Puyat pa ha?! Palipas pa ng gutom. Tas ligo ka ulit sa ulan ng madaling araw, okay no?! Kung magpapakamatay ka, sabihan mo ko agad para ako nalang sasakal sayo.”

“Hindi ko naman sinabing alagaan mo ko!”

“PAG NAMATAY KA SINONG MAGPAPASWELDO SAKIN?! SAKIN MO BA IPAPAMANA LAHAT NG PERA MO?!”

“Ang ingay mo!”

“Matulog ka na! Kailangan 10 oras ang tulog mo ah! Wag kang gigising hangga’t wala pang 10 hours!”

Baka malaman ko!

*End of Flashback*

“As if naman nakabuhat ka na ng sampung sako ng bigas.”

“Ah basta magluto ka dyan!”

Kumuha ako ng Cook book. Ano kayang madaling gawin??

Wait! Magluluto nga ako?! Susundin ko siya?!

This is not good. I’m being dictated by that creature!

Inuutus utusan niya na lang ako!

Nakita ko siya nasa Sofa at may hawak na maliit na notebook at ballpen.. Parang may sinusulat siya or sinosolve? Can she do math?

Adobo yung niluto ko. Yun lang madali eh.

Habang pinapakuluan ko yung Adobo, naupo ako sa tabi niya..

“Ano ba yan? Kanina ka pa nagsusulat dyan ah..”

Titignan ko sana yung sinusulat niya kaso iniwas niya kaagad.

“Wala to.”

“Damot.”

Nanuod nalang ako ng TV..

Maya-maya pa..

“Hoy! Amoy nasusunog! Yung niluluto mo!”

Napatalon ako at napatakbo sa kusina!

Grabe! Naubos yung sabaw!

“Adobong tuyo na yan.”

“Hindi yan isda—aray! Makabatok buong buhay ah!”

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon