Take 6- You're just like Her

311 13 2
                                    

Take 6- You’re just like Her

Delilah’s POV

Matagal tagal na rin nung huli akong nakipag-usap sa isang lalaki ng ganun ka seryoso..

Naalala ko noon, umiiyak din siya..

*Flashback*

“Hindi ko naman sinasadyang minahal na rin kita eh..” –siya

“Kung hindi mo naman gusto. Sinabihan mo na sana ako nung una palang, para lumayo na ako. Hindi yung ganito, wala naman akong ginawang mali sayo para idamay mo ako, para saktan mo ako..”

“Sorry Lila..”

“Hahayaan kitang humingi ng tawad buong magdamag kung magagawa niyang alisin ang sakit na dinulot mo sakin. Mauuna na ako.”

*End of Flashback*

Haayyss..

Ang nakaraan dapat kinakalimutan na. Asar lang.

**

Lumipas ang dalawang linggo, maayos naman ang lahat, pinapasweldo ako ni Daldal ng maayos, okay na rin kami ni Yuan. Si Zoey mejo umiiwas sa akin. Ewan ko kung bakit. Si Daldal naman inaabuso ang sarili sa trabaho, nadadamay tuloy ako.

“Delilah, paabot naman nung isang Script dyan. Yung sa sitcom.”

Sinunod ko naman siya agad.

Pumasok ako ng kwarto niya at kinuha ko yung hindi naman kakapalang libro ba to oh ano—basta may nabasa akong sitcom kinuha ko na..

Paglabas ko ng Sala...

“Oh eto na oh.”

“Thanks.”

Nakasalamin siya at nakatali yung buhok niya, yung tali sa taas ng ulo? Basta yung tali ng mga hindi naman mahahaba ang buhok. Nakahead band pa nga siya eh, tapos sando na itim at pajama.

“Kumain ka na ba?”

Mejo kararating ko lang kasi, tsaka gabi na. Ewan ko nga bakit niya pa ako pinatawag, matutulog na lang! Utang na loob. Matutulog na lang.

-__-

Hindi niya ako sinagot.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ko yung binabasa niya..

Suminghot singhot siya.

Napakunot naman yung noo ko. May lahi ata tong aso eh ang lakas suminghot.

“HATCHING!!!”

Napalayo ako bigla.

“Yak naman! Ang baboy naman! Wala man lang excuse me!”

Tinignan niya ako..

“MALIGO KA NGA DUN! AMOY PANIS KA!!”

Natanggal yung salamin niya nung sinigawan niya ako.

Inamoy ko naman yung sarili ko.

Pwe! Kasi naman eh! Bigla akong pinatawag eh kagagaling ko lang sa pangangalakal! Hindi na ako nakaligo. Asar. Nakakahiya.

“Wala akong damit.”

“Haayyss!” tinanggal niya na rin yung headband niya.

Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas niya, may damit na siyang dala.

“Wala na akong damit na pambabae, isa lang yung napasuot ko sayo, eto nalang munang damit ko gamitin mo.”

“Hoy ano ka?! Paano pag umuwi ako?! Makikita ako ng Nanay at Tatay ko na nakasuot ng damit panglalaki?! Ano nalang sasabihin nila sa akin?! Na kaladkarin ako?!”

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon