Take 5-A Man's Tears

324 13 7
                                    

Take 5-A Man’s Tears

Pain’s POV

Pagdating sa Condo..

“Ako na magluluto ng soup para kay Yuan!” sigaw ni Zoey sabay kuha ng mga pinamili ni Delilah at dumiretso na sa kusina.

Si Delilah naman..

“Papasok ako ng kwarto mo ah.”

“Teka—bak—“

Hindi niya na ako pinatapos magsalita. Pumasok siya ng kwarto ko. Mga 5 minuto nung lumbas siya. May dala siyang T-shirt ko at towel, pumunta siya ng kusina at naglagay ng yelo at tubig sa basin. Pumunta siya sa Sala at..

“ANONG GINAGAWA MO?!”

“Nagpapagood shot.”

Ano daw? Nagpapagood shot?

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kailangan alagaan ko tong Manager mo, para hindi na siya magalit sakin.”

“Pero bakit mo siya hinuhubaran?”

“Pupunasan ko siya, amoy alak to, mabaho, kailangan ng palitan ng damit. Kayong mayayaman alam kong madali kayong mairita pag may mali kayong nararamdaman sa sarili niyo. Ayaw niyo ng mabaho, malagkit, maasim, kaya lilinisan ko tong Manager mo. Para mas maging maayos yung pagpapahinga niya. Oh? Ok naba yung paliwanag ko?”

Sinabi niya yun habang tinatanggal yung damit ni Yuan.. Lalaki yun eh! Hindi ba siya naiilang?

Nagpapagood shot? Yun pala ang ibig sabihin non’

Pinunasan niya ng malamig na tubig. Nakikita ko namang nagiginhawaan si Yuan. Aba, mukhang magiging effective tong pag “papagood shot” ni tagabundok ah.

Pagkatapos niyang punasan si Yuan, pinalitan niya na ng damit. Tinignan ko lang kung paano siya gumalaw, mukha naman siyang desenteng babae. Pinunasan niya rin pati yung mukha ni Yuan.

Ano kayang pakiramdam na may nag-aalaga sayo paglasing ka? Anong pakiramdam Yuan? Pagkatapos ni Delilah linisan si Yuan, niligpit niya na yung mga pinaggamitan niya.

Akala ko nga lalabhan niya pa yung damit ni Yuan, sabi niya mamaya na daw, isasabay niya na sa mga damit ko. May housekeeping naman. -__-

Pagkatapos magluto ni Zoey, ginising nanamin si Yuan.

Pina-inom namin siya ng gamot para sa sakit ng ulo, pinag timpla ng kape at pinakain na nung Soup. Kaya lang may napansin akong kakaiba kay Yuan.

Simula nung gumising siya, hindi na naalis ang paningin niya kay Delilah, kanina niya pa tinititigan si Delilah. Ano kayang iniisip niya?

Sasabihin ko ba yung ginawa ni Tagabundok para sa kanya? Pag nalaman niya kaya mababago na tingin niya kay Delilah?

Habang kumakain kami..

“Delilah.” –si Yuan.

“Yes Sir?”

“San ka nakatira?” nako! Mabubuking na ata kami! Patay ako pag nalaman niyang sa squatter nakatira si tagabundok.

“Sa Slums po Sir.”

*facepalm* hindi ka talaga nag-iisip! Hindi naman makakasama ang minsang pagsisinungaling! Patay na talaga kami nito.

“That’s why.” Si Yuan

“Anong that’s why Sir? Ano pong ibig niyong sabihin?”

“Kaya ganyan ang ugali mo. Nakuha mo sa pinanggalingan mo. Asal Skwater. No wonder kaya mukha kang walang pinag-aralan, dahil wala naman pala talaga.”

May Artista sa BasuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon