Chapter2:Araw ng kadramahan

15 1 0
                                        

Ang awkward ng atmosphere namin dito ano kaya ang magandang itopic para mawala ang awkwardness dito

Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Elai

"Blaze talaga liligawan mo ako?"tanong ni Elai na hinahawi pa ang buhok niya

"Oo"simple sagot ni kuya

"Kahit d mo na gawin sasagutin na kita kaagad.Pero magpabugbug ka muna sakin"wika ni Elai na tinataas baba pa niya ang dalawang kilay niya

"Auh huwag na kahit gumastos pa ako ng billion sayo huwag mo subukan bugbugin ang mukha ko bahala ka hindi kita magiging girlfriend"pagkasabi ni kuya non biglang nag pout si Elai Auh ang cute niya pero sandali lang yun

"Joke lang ikaw naman oh. Tradisyon na kasi sakin ang mangbugbug ng manliligaw ko.So too ba Girlfriend mo na ako?"pag eexplain ni Elai

"Pero kapag ikaw siyempre lalabagin ko ang rules na ginawa ko,Hindi ko kayang bugbugin ka"eh lumalandi nanaman ang Elai na to

"Ok paano ba manligaw?" nagkatinginan kami ni Elai Sabay tawa

"Hahahahaha Di mo alam?"patawang patanong namin ni Elai

"Hindi, kasi yung mga babae nanligaw sakin Hindi ako kaya wala akong experience" sure ka kuya magkabunyagan nga tayo ng sekreto dito

"Sure ka akala ko ba niligawan mo ang first love mo daw na si Alexy baliw-"tinakpan agad ni kuya ang bibig ko bakit ba ayaw ni kuya na malaman ni Elai ang totoo magiging girlfriend niya naman si Elai eh pero laking pagtataka ko nung umpisa nila magbreak ni Ate Lexy naging playboy si kuya

"Wala kang alam about samin ni Alexy kaya wag kang makealam!" sigaw sakin ni kuya sabay labas ng kwarto

"May nasabi ba akong masama?"tanong ko kay Elai

"Ewan ko nagcecellphone ako dito d ko alam pinag uusapan niyo nagulat nga ako nung sumigaw at nagalit yun eh"

"Elai akala ko ba mayaman kayo bakit nagwoworking student kapa para kay Jasmine?"

"Alam mo naman diba nasa ibang bansa si daddy tas alam mo diba iba ang mommy ni Jasmine kaya ako na nahiya kay mommy manghingi ng pera para kay Jasmine tsaka raket raket lang yun tuwing sabado sa cafe at parlor"super ate na talaga tong si Elai lahat gagawin para sa kapatid kahit half sister niya lang si Jasmine

"Teka bye bye muna Bes ah susundan ko lang si kuya"pagpaalam ko kay Elai

"Sige bes ingat ka tawagan nalang kita about dito. okay?"

*******«««««««»»»»»»»»*******

Ngayon ko lang nalaman na wala pala sasakyan namin dito dinala siguru ni kuya well d naman sanay mag commute ang ugok na yun.Ang bait talaga ng kuya ko iniwan ako para ako yung magcommute edi good job

Habang naghihintay ako ng taxi nakita ko naman si Zavien kaya tinawag ko ito

"Zavien!"agad naman siyang napatingin sa direksyon ko ang gwapo talaga niya

"Hey" at kumidat pa,ako naman tong tili ng tili na parang baliw

lulapit ako sa kanya habang hinahawi ang buhok ko pero

Iba pala ang kinidatan niya at kinawayan niya napahiya ako dun ah

Dahil inip na inip na ako kakahintay ng taxi dito naisipan ko nalang na mag bus.Limang minuto lang ako humihintay dito ay nakasakay agad ako ng bus.Doon ako sa pinakadulo umupo para tahimik pumikit muna ako sandali para makapagpahinga

Pagkagising ko dito parin ako sa bus syempre alangan bubuhatin nila ako kapag nasa bahay na ako.Laking gulat ko na nakapatong na pala ang ulo ko sa balikat ng isang lalaki nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng si Jhaymar pala ito.Mahimbing naman itong natutulog sumilip muna ako sa bintana at nasa gitna kami ng traffic.Nakita ko naman na mukhang nahihirapan si Jhaymar sa posisyon ng pagtulog niya dahil naka sandal ang ulo nito sa sandalan ng upuan kaya pinatong ko muna ang ulo niya sa balikat ko dahil ganito din ang ginawa niya sakin kanina utang na loob lang tawag dun.Hindi nagtagal ay agad naman siyang gumising.

"Ay sorry Jaimee nakatulog pala ako sa balikat mo sorry talaga"paghingi niya ng tawad

"Asus ok lang iyon alam ko nahirapan ka sa pwesto mo kanina eh pagkatapos nakatulog din naman ako sa balikat mo"

Sobrang gaan talaga ng loob ko kay Jhaymar na parang matagal ko na siyang kilala.Dahil siguro classmate kami nung elementary kaya ganun.

"Ahm Jhaymar bakit nagbus kalang akla ko may sasakyan ka?"

"Nasira eh at kanina panga ako naghihintay sa pwedeng umayos dito pero may emergency daw hindi ko din naman kayang ayusin ang sasakyan ko kasi bukod sa makina ang sira niya pinagtripan pa nina Hallier ang sasakyan ko kaya ayun sirang sira"natawa naman ako sa sinabi niya ang mahal kaya ng sasakyan tapos pagtritripan pa nila grabe naman yun.

Usap lang kami ng usap ni Jhaymar pero nasa traffic parin kami hanggang ngayon 9:50 na ng gabi at tatlong oras na kami dito

Ngayon kulang pala nalaman na ampon lang pala si Jhaymar at nakita ito sa isang sulok ng park noong August 30 2000,ito rin ang araw na nawala ang kapatid ko at sa araw pa talaga ng birthday niya.

"Eh paano nila nalaman ang edad mo"tanong ko.

"Kasi nung nakuha ako ni Mommy nakita niya sa lampin na nakabalot sakin ay letter J tsaka date 8/30/99 at one year old ako nun pero sa ibang bata na one year old ay kilala na nila ang nasa paligid nila pero sa akin, bakit hindi ko natatandaan bago ako mawala sa totoo kong pamilya,?"nagtataka din ako sa sinasabi niya dahil 8 months palang ako ay kilala ko na ang nakatira sa bahay namin pero d pa ako nagsasalita nun

"Ang isa ko pang kuya kasi ay nawala sa birthday party niya mismo.Kung d lang sana nag brown out hindi sana nawala si kuya samin,hindi ko man lang siya nakilala kasu pinag-bubuntis palang ako ni Mommy nun"labis talaga akong nalungkot dahil hindi ko nakilala ang kuya ko

"Oh siya tama na ang drama"pilit ko paring ngumiti kahit masakit

"hay salamat makaka uwi narin ako tapos na ang traffic" 10:30 na ng gabi nang maka uwi ako hindi naman ako papagalitan ni Mommy dahil may tiwala siya sakin si kuya lang ang problem.Nang tuluyan na akong nakapasok ng gate namin at akma ko na sanang buksan ang pinto pero na unahan ako ni kuya

"Saan ka galing!?"cold niyang sabi

"G*go iniwan mo ko dun ng mag-isa tapos walang sasakyan!kaya sumakay nalang ako ng bus tapps traffic,ikaw na nga tong dahilang kung bakit gabi ako umuwi tapos ikaw pa tong galit"

"Bahala ka"may topak ata tong si kuya eh

Bago ako umakyat ng kwarto ko ay narinig ko ulit na umiiyak si mommy hulaan ko dahil to sa nawawala kong kapatid,Hays makatulog na nga.Nagfacebook muna ako pagkatapos nakita ko ang post niya na nagpabiyak ng puso ko

.I love her i really really love her tomorrow i will start courting her.Please say YES Samantha

256likes 500 hearts
368reacts 487comments

Hindi naman kami pero nagseselos ako ng sobrang sobra.Mabuti pa itulog ko muna ito,dahil sa pagod nakatulog na ako at hindi man lang naka half bath at toothbrush

*****Next Chapter*****

A.N. Hello guys😇😇Thank you sa mga readers ng book nato kahit two weeks palang na nasimula ko itong gawin pero naka 11 readers at 3 votes na po ito and sobrang Happy ko din po dahil may Rank na ito sa teenfiction at tagalogstory,.May mga book/s pa po akong gagawin kaya kaylangan ko ng suporta niyo baka sa susunod ko pa ipupublish.Salamat po ulit😇😇.Kung sino jan sa mga readers ko na gusto magbigay ng opinion nila about sa story ko chat niyo lang ako sa FB Junesse Ven Solito or Sweetie Ven Park at kung gusto niyo pa magchikahan pa tayo pwedeng pwede, paki follow din po ng wattpad account ko kun maaari dahil i fofollow back ko din kayo

Thank you and I love all of you

Being His NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon