Tagging MR. VIN❤

25 3 1
                                    

~♥~
This story is dedicated to my bestfriend Prttylay 💙 Iloveyouuuu love! Enjoy reading, I hope you'll like it. Good night :))







Patuloy ang pag scroll down ko sa facebook account ko.
"Hays" singhal ko sa sobrang bored. Nakakatamad kasi pag may ginagawa pero nakakainis naman pag nakahiga lang. Hays ewan ko ba. Isang post ang nakaagaw ng pansin ko.





"KUNG MATAPANG KA I-TAG MO NGA YUNG CRUSH MO
SA RELATIONSHIP STATUS MO? ILABAS MO TAPANG MO NGAYON!"





Tinitigan ko pa ito bago pinagisipang gawin kay Vin. Almost 3 years ko ng crush si Vin at kinakabahan ako kung sakaling magawa ko ito.
Sa sobrang bored ko parang gusto ko tuloy gawin 'to. Pinagpapawisan na ako dito kakaisip kung gagawin ko ba talaga. After a few minutes nakapagisip na ako na gagawin ko yun kay Vin. Pinindot ko yung Profile at tsaka clinick din yung 'In a Relationship'
with matching tag pa kay Vin. Mayamaya lang lumabas na ito sa timeline ko. Naglog out muna ako dahil sobrang kinakabahan na talaga ako.







--------------------
Gulat akong napasinghap matapos ko ma log in ang facebook account ko. Home Profile Messages(38)
Notifications(99) Chat(456)
Una ko munang tinignan yung notifications. Puro reacts yung lumalabas at puro comments.






"Rose Angel Novicio is In a Relationship with Clark Arvin Rosal"
43mins.
Like Comment Share
Clark Arvin Rosal and 986 others.
View more comments...
👧:is that real?
👧:OMG?
👧:GRAVEH DI MON LANG SINABI BES NA KAYO NA PALA NI FAFA VIN KO HUHU CHAROT SUPPORT KITA BES! SS AH? SINURPRISE MOKO!






Natawa ako bigla sa comment ni Princess dahil naniwala agad sya. Ang dami pang comments ang nabasa ko pero may isa ang
nakaagaw ng pansin ko.





👩: Vin anak ano 'to? Hindi mo naman sinabi na may girlfriend ka na. I want to know her so please ipakilala mo sya sa amin okay?





Gulat akong tinitigan ito bago pinindot yung name niya. Mas nagulat ako ng malamang mommy pala iyon ni Vin.





"Shizz! paano na 'to? Mukhang lahat sila naniwala sa post ko na yon. Anong gagawin kooo! Waaaaaah" sigaw ko at saka nagpagulong gulong sa aking kama. Bigla akong napaupo dahil nag ring yung phone ko. Number lang pero sinagot ko
din naman agad ito.







[Hmmm? Hello sino po ito?] paunang tanong ko. Tahimik ang unang linya tsaka ito biglang nagsalita.







[Ako lang naman yung tinag mo sa post mo na 'In a Relationship'] malamig ang tono ng pananalita niya. Gulat akong napahinto.




[A-ah eh k-kase hindi k-ko naman yun sinasadya] utal kong sambit sa kanya.



[Pwes! panagutan mo yan Angel] ma awtoridad niyang saad.



[What do you mean?] naguguluhang tanong ko.



[What I mean is, be my girlfriend. Matagal na kitang gusto Angel
and we will make this relationship real. Don't worry I will court you tomorrow. And masaya ako sa ginawa mo Angel. Hindi ko na buburahin yung tag mo dahil simula ngayon you're mine and I'm yours. Hinding hindi na kita papakawalan pa]may sinseridad ang pananalita ni Vin. Nagpagulong gulong ako sa aking kama dahil sa sinabi ni Vin. At isa nag message pa siya na naging dahilan kung bakit parang hindi nako makahinga.



[Iloveyou babe!] saad niya pa na lalong nakapagpapula sa mukha ko ngayon.



[Iloveyou too.]












Don't forget to leave a comment, and Vote!

XOXO~♥~

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon