Sabi nila, life is like a wheel. Minsan nasa taas ka, minsan, nasa baba. Parang yung mga guhit sa palad natin, magulo diba? Pero incomparable kapag nasa taas ka na. Parang kami ni Elmo, minsan okay kami, minsan war. At ngayon, bati na ulit kami. At mas Masaya kasi siya yung unang nag approached sakin. J
E bakit ba ang drama ko ngayon? Anyway, balik tayo sa story..
Andito pala ako sa salas ngayon. SEMBREAK NA!
Nanonod kami ni Elmo ng tv. At syempre, kagulo na naman kami sa remote control..
“basketball nga kasi. May laban ngayon ang Miami e…”
“no. Movie tayo. Dear John!”
“Basketball..”
“Dear John..”
“Basketball”
“Dear John sabi!”
“Basketball sabi!”
Nagkatitigan na kaming dalawa. At kung possible lang yung gaya ng sa cartoons, yung may lumalabas na kuryente sa mata? Siguro, kanina pa merong ganun..
“Ate, Kuya, cartoons na lang kasi. Akin na yang remote! Manonood ako ng spongebob..”
Bago pa kami magsalitang dalawa, wala na.. Nakuha na ni Leana yung remote control.
Pareho tuloy kaming napa sigh ni Elmo..
“haha, ang cute niyo ate! Sabay pa talaga kayong dalawa..”
Sabi ni Leana habang tumatawang nakatingin samin ni Elmo..
“Sus.. anong kaming dalawa? Ako lang kaya Leana..” sabi ko sabay nag-bleh kay Elmo..
Totoo naman diba? Ako lang ang cute saming dalawa? Haha..
“Anong ikaw lang? Oy. Mahiya ka naman sa bata. Ikaw pa magtuturo jan magsinungaling..” sabi sakin.
“diba Leana, cute si Kuya Elmo?” tanong kay Leana.. Sus!
BINABASA MO ANG
Second Time Around (JuliElmo Story Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba ang ma-inlove? Sa isang taong kinaiinisan mo....pero nalaman mo na lang na kaya pala siya laging nang-iinis sayo e dahil gusto ka niya. At dun na nag-iba ang lahat....naging masaya ka sa kanya, naging masaya kayo....kaso umalis si...
