Second Time Around Chapter 27

1.8K 22 0
                                        

Normal na siguro sa buhay ng isang tao na may isang taong espesyal sayo ang umaalis. Umaalis dahil kailangan.. Marahil niya? O kailangan ng mas nakararami. Pwede rin para sa ikabubuti ng sitwasyon ng lahat. O pwede rin na dahil nasaktan siya.

Hindi natin malalaman unless nanggaling na mismo sa kanya ang dahilan ng pag-alis niya..

Si Sam……Alam ko, at sigurado akong isa ako sa mga dahilan kung bakit pinili niyang bumalik na lang sa Italy. At sobra akong nagi-guilty. PEro kahit na maguilty pa ako ng ilang libong beses,

I knew that it won’t bring him back.

Nalungkot ako nung una siyang nawala sakin. Puno ng sakit, galit, na di nagtagal ay napalitan rin ng tuwa at galak nung bumalik siya.. Pero ngayon na umalis na siya ulit, mas masakit. Bakit?

Dahil alam ko na okey na kami, na may closure na kami. Pero bigla na lang siya mawawal. Gets niyo ba? Yung parang kaka-close niyo lang tapos aalis na siya agad? Ang sakit diba?

Nakakalungkot. Kasi mamimiss mo siya. Kasi, mamimiss ko siya.

Pero gayunpaman, nakagagaan pa rin sa kalooban ang katotohanan na meron pang isang tao na alam mong hindi mawawala sa tabi mo. Yung tipong hinding hindi ka iiwan. Bagkus, mamahalin ka pa ng lubusan.

E bakit nga ba masyado akong nagiging malalim ngayon?

 

 

 

 

 

Julie’s POV

Halos isang linggo na rin pala ang nakalipas..

At ngayon? All soul’s day. Tama? Ewan. Ang alam ko. Di ko na kasi namamalayan kung anong date ngayon. Basta alam ko, malapit na ulit mag-start ang second sem. Oh, please.. Di ko pa gaanong nararamdaman ang sembreak oh! T_T

Teka, san pala kami ngayo? Siguro bahay lang. OO.. Tama.  Wala naman akong pupuntahan e..

Kami lang ni Elmo ngayon sa bahay.. Yaya and her family we’re off to visit their relatives who passed away..

At ngayon, palabas ako ng kwarto ko paramanuod ng tv sa baba..

Pagbukas ko ng pinto, andun pala si Elmo, ready to knock on my door..

Second Time Around (JuliElmo Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon