Ang love, hindi yan isang simpleng salita lang. Hindi isang bagay na madaling gawin. Madali yang pasukin, pero mahirap labasan. Bakit? Kasi kapag tumibok na ang puso mo sa isang tao, sigurado ako, hindi pwedeng hindi ka masasaktan.
May love ba naman na hindi ka nasasaktan? Wala noh.
At kapag nasaktan ka, ano? Iiyak ka.
Pero bago yun, simulan natin sa ugat ng pagmamahal. Nagkita kayo, nagustuhan mo siya, kasi ano? Gwapo? Hindi basehan yun. Mabait? Pwede na. Lagi nanjan para sa’yo? Okay sige. Pwede na rin. Pero tanong ko sayo, sapat na ba yun para mahalin ang isang tao?
Sabi nga sa kanta ni Yeng,
“Ang pag-ibig, hindi parang cellphone, pag naluma, papalitan.
Ang pag-ibig, hindi parang damit, ‘pag may bagong uso, papalitan”
Tama naman diba? Hindi yan parang isang pagkain, na kapag di mo nagustuhan ang lasa, isusuka mo na lang ng basta-basta.
Parang yung sa PBB Teens, ilang buwan pa lang na magkasama, or even DAYS may salita kaagad na “MAHAL KITA” Ganun bay un kadali? Ganun nab a talaga ngayon?
Hindi ba dapat, kilalanin mo munang mabuti ang isa’t-isa para naman masabi mong KILALA mo talaga siya, dahil alam mo ang halos lahat ng tungkol sa kanya, at hindi yung, kilala mo lang dahil alam mo ang PANGALAN niya.
Julie’s POV
As expected, eto nga, nagdate kami sa MOA. Grabe nga e, ang layo ng pinang-galingan namin. Sa Cubao pa, tapos Pasay. Adik kasi si Elmo e. haha
Ano una namin ginawa?
Hmmm….
Sumakay sa MOA EYE!
Nako, mga kaibigan, you should really try it. Ang ganda! Kitang kita niyo from above yung mga sasakyan na dumaraan, yung Manila Bay, basta! Maganda! Pero mas maganda kung kasama niyo ang taong mahal niyo..
Yaiks! Bumabanat ako oh..
Teka., may itatanong pala ako..
“Wafs,”
“oh” sabi niya sabay lingon sakin. Tinitingnan niya rin kasi yung sceneries sa baba..
“ahm, bakit moses_am?”
BINABASA MO ANG
Second Time Around (JuliElmo Story Completed)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba ang ma-inlove? Sa isang taong kinaiinisan mo....pero nalaman mo na lang na kaya pala siya laging nang-iinis sayo e dahil gusto ka niya. At dun na nag-iba ang lahat....naging masaya ka sa kanya, naging masaya kayo....kaso umalis si...
