Second Time Around Chapter 32

1.5K 18 0
                                    

Ikaw…

 

 

Kapag may gusto kang mangyari or nais, ano gagawin mo?

 

Iisip ka ng paraan para mangyari ito diba? Kahit pa anong mangyari.. Lalo na kung gusto mo talaga..

 

Sabi nga nila, “Kapag gusto, maraming paraan, pero kung ayaw, maraming dahilan.”

 

Tama naman diba.. Kapag sinabi mong ayaw mo, yun ay may dahilan ka, kesyo, ganito, kesyo gaanyan. Kasi ayaw mong gawin, or ayaw mong mangyari ang isang bagay.

 

Pero once na gusto mo, kahit pa anong mangyari, pipilitin mong magawa o matupad ang isang bagay..

 

Para san ba ang pangaral na ito?

 

Well, ako rin,. Hindi ko alam, kayo na lang ang bahal magkonek kung makokonekta nga siya sa chapter na ito. :D

Elmo’s POV

Pinanuod naming ang mga DVD na binili ko..

Well dalawa lang pala..

Kasi nga, may pasok kami ngayon..

Kala ko nga marami akong makukuhang tips, konti lang din pala.. Well, lessons siguro..

Hmm..

Bahala na nga mamaya..

Inaasar pa tuloy ako ni Julie..

Dapat talaga may bayad akong makuha kay Kean e..

Utuin ko nga mamaya..

-

-

School..

Andito na kami ni Julie ngayon sa room..

Siya, lumapit na kay Maq..

Ako?

Dun, sa mga maiingay na loko-loko sa isang sulok..

Aga-aga, para na naman silang timang..

Tumabi ako kay Kris na lagi ng nakatutok ang mata sa cellphone niya..

Lagi na siyang ganyan after niyang makilala si Ivy..

Ewan ko ba.. pero mukhang tinamaan nga yata..

Well, hayaan na.. at least good boy siya ngayon..

Nanliligaw na kasi siya ngayon kay Ivy..

Sabi niya, baka daw mabaliw siya pag pinakawalan pa niya..

Si Rick? Ayun..

Awa ng Diyos, sila pa din ni Lex..

Second Time Around (JuliElmo Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon