Elmo’s POV
Sembreak na nga pala..
At ngayon eto, agawan na naman kami ni Julie sa remote..na nauwi sa pagbabatuhan ng unan..
Masaya kami. Tawa pa nga kami ng tawa e. Kaya lang, may dumating…
Si Sam.. Lagi naman e.
Pero okay na kami. Nag usap na kami dati. Inamin ko sa kanya na gusto ko si Julie pero I won’t stand between them. Ayoko.. Baka masaktan lang si Julie. Kapag nangyari yun, mas masasaktan naman ako..
Hayys, bakit ba kasi kailangan ganito ka-complicated yung sitwasyon naming ni Julie..
Umalis na naman silang dalawa..
Ako? Naiwan ditto sa bahay. Nanunuod lang ng spongebob kasama si Leana na kinakain yung chocs na bigay ni Sam kanina..
“Kuya, gusto mo?” sabay alok nung chocolate.
“Hindi. Sige, sayo na lang.”
HAyy, ang boring…
Maya-maya naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko..
Kinuha ko naman sa bulsa ko para tingnan kung sino yung nagtext or tumawag..
Pagtingin ko, text lang pala. Kanino galing?
Kay Lauren..
Message: Elmo, oi! Samahan mo naman ako sa mall oh.. Please?
Ano bay an.. tinatamad ako.. Nagreply na lang ako sa kanya.
“Find another one who can accompany you. Tinatamad ako..”
Sagot ko. Oo. Alam naman niya na masungit talaga ako at suplado at times. Pero tinitiis niya yun. Kaya siguro naging okay siya sakin.
Humiga na lang ako sa sofa. Mejo inaantok kasi ako.
Maya maya nag vibrate na naman ang phone ko. Pagtingin ko, tawag naman.. From Lauren again…
Sinagot ko na kesa mairita ako sa kakapaulit ulit ng ring…
“Hello…”
“Hello Elmo!”
“Oh bakit?”
“Samahan mo na kasi ako sa mall. Please?”
“Ayoko. Tinatamad ako..”
“Please?”
“Maghanap ka na lang ng iba. Wag ako. Wala ako sa mood.”
“Please Elmo? Wala na kasi akong maisip na ibang pwede akong samahan e. Ikaw lang..”
“Aish.. Oo na sige na. Mukhang di mo naman ako patatahimikin e. Anong oras ba?”
“12 onwards?”
“Ok sige.”
“Yay! Thanks Elmo! Thank you talaga! J”
Then I ended the call. Yes, ako yung nag end ng call. Baka kasi ano pang ihirit nun e.. Mahirap na.
Mga 11 na pala. Nag bihis na ako tapos nag lunch na rin sa bahay since luto na naman yung pagkain tapos umalis na..
Nag commute lang ako papunta sa mall.
Pagdating ko dun..tinext ko lang si Lauren.
“San ka?”
TApos nagtingin tingin din ako dun. Maya maya tumunog yung phone,
“Get Laud stall..2nd floor”
“Ok.”
So pinuntahan ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1323943-288-k600212.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Time Around (JuliElmo Story Completed)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba ang ma-inlove? Sa isang taong kinaiinisan mo....pero nalaman mo na lang na kaya pala siya laging nang-iinis sayo e dahil gusto ka niya. At dun na nag-iba ang lahat....naging masaya ka sa kanya, naging masaya kayo....kaso umalis si...