Now, everybody’s celebrating for the new couple. Ang tagal nga naman kasi bago nagging sila. As in ilang beses ng nag-away, nagsigawan, nag asaran, nagkatampuhan, nagdedmahan. Pero lahat ng yun, sa isang bagay lang nauwi. Ang pag-amin sa nararamdaman ng isa’t-isa. Parang yung kasabihan lang, “Sa hinaba haba man din daw ng prosisyon, sa simbahan din daw ang tuloy”. PEro sa ngayon, maaga pa para mauwi sila sa simbahan.
Sa ngayon, Masaya na ang dalawa dahil kapiling na nila ang isa’t isa. Ngunit, pano naman yung nagparaya at nasaktan? Yung taong isinakripisyo ang kanyang sariling kaligayahan para lang sa mahal niya?
Halina’t pakinggan ang side of story ni Sam. J
Sam’s POV
Hello.. Ako nga pala si Samuel Concepcion. Sam for short.
Marahil marami sa inyo, and tingin sakin, jerk, bad boy. Dahil pinili kong iwan noon ang babaeng pinakamamahal ko. PEro lahat naman siguro ng teenager dumadaan sap unto na parang yung dating gusting gusto mo, bigla mo na lang mararamdaman na ayaw mo na. Pero hindi talaga yun yung dahilan, my mom’s planning that time na isama ako sa Italy. To study for college. At hindi ko yun masabi kay Julie.Hindi ko kayang sabihin yun kay Julie dahil ayokong masaktan siya kapag nalaman niyang aalis ako, tapos maiiwan ko siya.
Masyado ko siyang minahal kaya hindi ko kaya kapag nagalit siya sakin. Kaya yun lang yung tangi kong naisip. Ang makipagbreak sa kanya to maintain our friendship. Para atleast diba? Friends pa rin kami.
Nung kausap ko na siya nun, I ask her my plan. Pumayag siya. Pero alam ko, ramdam ko, nasaktan siya ng sobra. Ako rin naman e. Kung nasasaktan siya, doble nun ang nararamdaman ko. She’s my first and wanted her to be my last. Sa kanya ako nakaramdam ng sobrang kaligayahan na never ko pang naramdaman noon.
Niyakap ko siya nun pero ramdam ko na umiiyak na siya. Bumitaw siya para hindi ko Makita na umiiyak siya. Pero she failed. Im 100% sure na umiiyak siya nung oras na yun. I even told her not to cry. Pero di niya nasunod. At nung oras nay un, parang mas nabasag yung puso ko. Gusto ko siyang habulin para bawiin yung sinabi ko. Na I don’t want us to be just friends. Na I want us to stay being more than friends. Panandalian akong nanatiling nakatayo roon para magi sip at nung nabuo na yung desisyon sa utak ko, sinundan ko siya.. Pumunta ako sa……
San pa nga ba? Edi sa room namin. Ang alam ko kasi magcecelebrate sila ng birthday nung adviser namin. Tinamad akong umattend. Gusto ko lang talaga na makausap si Julie.
Pagdating ko doon sa room, nakita ko si Lexi kaya agad ko siyang nilapitan..
“Lexi, have you seen Julie?” tanong ko sa kanya pero di niya ako tinitingnan. Alam na niya kaya?
“Yes.” She answered coldly.
BINABASA MO ANG
Second Time Around (JuliElmo Story Completed)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba ang ma-inlove? Sa isang taong kinaiinisan mo....pero nalaman mo na lang na kaya pala siya laging nang-iinis sayo e dahil gusto ka niya. At dun na nag-iba ang lahat....naging masaya ka sa kanya, naging masaya kayo....kaso umalis si...