dedicated kay Angel Ganda ^_^... sana eh mabasa mo ito :))
*****
France POV
Pagkatapos ng “LOVE” eksena namin ni Jayvee. Hindi na kami nag usap. wala lang nakakahiya kasi??
Ayoko kasing mapadagdag pa siya sa gulong ito. Maabala ko pa siya…di pa naman kami close..
Pero sabi nga nila may mga bagay na hindi natin inaasahan tulad nalang nito...
Flashback:
Paalis na dapat kami pero may biglang lumapit sa amin.
Si Zeke.
“france pwede ka bang makausap?”
“naguusap na tayo Zeke”
“france naman please”
“zeke tama na, tapos na di ba? Okay na. Kaya pwede ba aalis na kami”
Naglakad na kami pero hindi pa ako nakakalayo ng hawakan ni zeke ang braso ko. Kaya naman napatigil ako. pati narin ang mga besteffs.lahat sila tahimik.
“france.please”
Magsasalita na dapat ako pero..may nauna sa akin.
“sinong nagbigay sayo ng permiso para hawakan siya?!”
“JAYVEE???”
*gulp si jayvee. Akala ko ba nakaalis na silang lahat . nak ng tokwa naman oh!
Pero kahit narinig ni zeke hindi parin niya ako binitiwan
“pwede ba zeke! Bitiwan mo ko.” Pinipilit kong tagtagin ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Pero ang lakas shet lang!
“france hayaan mo na naman akong magpaliwanag please”
“tama na zeke! Ayoko ng marinig mga sasabihin mo! Tapos na tayo!”
Papalapit na si Jayvee sa amin, pero di parina ko binibitawan ni Zeke
“sinabi nang bitawan mo siya!” tinagtag niya ang pagkakahawak ni Zeke sa akin. Lakas ng lalaking to. Nadala ako sa ginawa niya e, umuna sa akin si Jayvee, peo hawak niya ang kamay ko. Siya ngayon ang kumakausap kay zeke
“ano bang problema mo sa girlfriend ko?! Ha?”
“pare gusto ko lang siyang makausap”
“di ba sabi ng girlfriend ko ayaw ka niyang makausap. Napaka simple naman bakit hindi mo maintindihan?”
“pare walang bastusan si Fance ang kinakausap ko hindi ikaw”
“eh gago ka pala e!” sabay tulak ni Jayvee kay Zeke
Napaatras si Zeke sa ginawa ni Jayvee
“pare ano bang problema mo”
“ikaw ang problema ayaw kang kausapin tapos pinipilit mo pa!”
Magsasalita sana si Zeke pero kinuwelyuhan na siya ni Jayvee