PART 2!
:))
......
sa mga SILENT READERS PO ng ULASSS! salamat din po sa inyo...
.
.
.sa mga nag aabang ng update..(kung meron man)
eto na po.
SALAMAT PO! :D
.......................................................................................................
Normal Pov
Ilang araw sa macau. Hindi na masama. Nagstay sila sa mansion nila prince sa macau. Para sa kalaman ng lahat may bahay din dito ang g6. Madalas kasi silang nagbabakasyon dito kaya ayun. Pero ngayon, dito muna sila kila prince. Dahil kadarating lang nila ay nagpunta na sila sa kani kanilang kwarto at nagpahinga muna sila. Napagpasyahan nila na bukas na gumala at gumawa ng mdp, hapon na din naman silang dumating.
Tomorrow is another day.
**
Maagang nagising si crissa kasi may gumugulo sa isipan niya at hindi niya maintindihan kung ano yun. paglabas niya ay nakita niya si prince na naghahayin na ng pagkain. Isip isip niya, ganito ba talaga si Prince? Husband material? Parang wala naman sa pangalan. Hindi namalayan ni crissa na napapatitig na pala siya kay prince , wearing a black sando and boxer shorts. Natauhan lang siya nang may natawag sa kanya at ngayon ay nasa harapan na niya, si Prince.
“ah crissa ayos ka lang?” natatawang sabi ni prince
“ha? A- ano o-oo naman, bakit? Ikaw ayos ka ba?” sa sinabi ni crissa lalong lumaki ang ngiti ni Prince.
“kung makangiti ka a?? bakit?” sabi ni crissa
“wala naman” (smiles)
“hindi ka ba magpapalit ng damit?” sabi ni crissa at tska umiwas ng tingin kay prince.
Napatawa namn si prince.
“ay sorry kala ko kasi mamaya pa kayo gigising e”
“tss ewan ko sayo!”
Medyo nakapagtaray tuloy si crissa. Eh kasi naman itong si prince kanina pa tawa ng tawa, parang baliw e. Pagkatapos magbihis ni prince ay ginising na nila ang besteffs at g6. Na ngayon ay nasa kahimbingan pa ng tulog. Madaling nagising ni crissa ang mga besteffs, pero si eila? Ayun, ayaw patinag sa pagtulog. Ganun din sa g6. Sa kanila talaga patagalan. Ang mahirap lang namang gisingin dyan e ang kanilang boss na nagpapaabot ng tanghali, at si jayvee na takaw tulog.
***
Hersey and Jaycee
Bored na bored si Hersey pagkakain nila ng breakfast. Ang aga aga pa kasi tapos ni isang plano wala pa sila ni Jaycee. Kaya ang ginawa nalang niya ay matulog.
Makalipas ang ilang oras ay nagising si Hersey dahil sa tunog ng cp niya, may tumatawag. Tiningnan niya kung sinong natawag, si jaycee lang pala.
“istorbo ka naman e!” pasigaw na sabi ni Hersey
“punta ka dito sa baba” malumanay na sabi ni Jaycee
“mamaya na” iritableng sabi ni Hersey
“tsss. Sweetie ko now na”
“ayaw” parang bata na sagot ni Hersey
“haay, umalis na nga sina Luis, Eila at Bo” hindi pa natatapos ni Jaycee ang mga sasabihin niya ng biglang sumabat agad si Hersey