hello po!!!
wala pa namang one month :D
salamat po sa mga nagbabasa nito :))
sobrang THANK YOU!
if you're not busy.. check this out..
story din sa wattpad..
BLACK ROYALTY : TRUE IDENDITY?
BY: JETenorio (my sis)
Let's support her :)
Thanks ^____^.
.........................................................................................................................................................
Rhum’s POv
“Rhum”
Daig ko pa ang nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko at narinig ko.
She’s back.
ang taong nanakit sa akin, at ang taong hindi deserving sa pagmamahal ko. Paano mo nga ba masasabi na hindi deserving ang isang tao sa pagmamahal mo? Kapag sinaktan ka niya, iniwan ka niya at higit sa lahat ipinagpalit ka niya sa iba.
Hindi ko alam kung bakit bumalik pa siya dito sa pilipinas, para ano guluhin na naman ang buhay ko? Tapos na ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit apektado parin ako pag nakikita ko siya. Siguro nga hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan niya hindi lang sa puso ko kundi sa pagkatao ko.
Siya si Wendy Villega siya ang ex girlfriend ko, kung naala niyo noon ang chapter 2. Ung mga nasabi ko noon kay Eila, para sa kanya dapat yun.
Nakatitig lang siya sa akin. At ganun din ako sa kanya. isang taon ang nakalipas simula ng iniwan niya ako at saktan. Ayoko na ng ganito kaya naglakas na ako ng loob para magsalita.
“A-anong ginagawa mo dito?”
“rhum bumalik na ako, para sayo” para sa akin?
“wala nang maniniwala sa mga sasabihin mo” agad na akong tumalikod pero nahagip ng mata ko si Eila, napatingin ako sa kanya, bakas sa kanya ang pagtataka. Pero nabigla ako ng yakapin ako ni Wendy sa likod. Pero hindi parin nawala kay eila ang tingin ko.
“rhum please, hayaan mo naman akong mag explain oh?”
“tapos na ang lahat Wendy. Get lost” tinagtag ko ang pagkakayakap sa akin ni Wendy at agad akong umalis. Hindi ko nadin nakita kung ano man ang naging reaksyon ni Eila.
Oh please, don’t get me wrong. Ayoko ko lang na ungkatin pa ang nakaraan. Nakakapagod na.
Wendy’s POv
Bumalik ako dahil hindi ko na kaya.
Nagtiis ako ng isang taon na mawalay sa kanya. Alam ko inuna ko ang sarili ko, ang kagustuhan ko at ang pangarap ko. Oo naging makasarili ko, pero masisisi niyo ba ako? kung nangarap lang naman ako.
Flashback
Childhood friends kami ni Ron, yah I used to call him that name, mas madali tska bukod sa family niya ay ako lang ang natawag sa kanya nun. Nung una nga ayaw pa niya, pero sa tagal ay pumayag na din siya.
Second year high school nang maging kami ni Ron. Hindi ko nga inakala dahil akala ko noon kaibigan lang ang turing niya sa akin. pero ako ang pinakaswerteng babae dahil ako ang mahal niya. Hanggang sa mag college kami, nakakalungkot dahil magkaiba kami ng course. Masscom talaga ang kinuha ko at siya ang engineering. Nangako naman kami na walang magbabago.