Chapter 28: vacation! PART4

118 1 0
                                    

wAAAAHHH!!!!

4 PARTS pala po ^___^V

..................................................................................................................................................... 

***

France and Jayvee

Sila na lang ang natira, ang lahat ay nagalisan na kanina pa. hindi naman makapagtanong si france kay jayvee kasi aminin man o hindi natatakot si france kay jayvee.

Si jayvee naman, nag iisip kung saan nga ba magandang pumunta, kanina pa kasi silang nakatengga sa bahay, hindi din naman niya nakitang umalis si france. Malapit nang mag gabi. Malapit nang maubos yung ilang araw nilang stay in sa Macau. Ni wala pa nga siyang naiisip  na masasabi kay france.

Sa tagal ng pag iintay. Maglalakas loob na sana si france na magtanong  pero biglang umalis si jayvee at nagpunta sa labas. Sumunod naman si france. Tinatawag niya si jayvee pero hindi ito lumilingon. Kahit anong pilit niya ng tawag wala parin. Litong lito na nga siya kung saan sila pupunta. Napakaraming pinto na ata ang nadaaanan nila. Ilang masisikip at madidilim na lugar na ang tinahak nila. Kahit gulong gulo na ay nakikisunod padin siya.

Hanggang sa tumigil sa isang pinto si Jayvee. Tila pinakikiramdaman niya ito. Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanila ang liwanag na galing sa buwan at mga bituin. May inakyat pa silang hagdanan pataas. Para nang umakyat sila ng bundok.  

Ang lugar na ito ay isang malaking kapatagan sa taas. Dahil kapag nandito sa lugar na na ito ay tanaw na tanaw mo ang kagandahan ng Macau. Dahil gabi na rin, parang mga christmas lights ang matatanaw mong mga ilaw, na siyang nagpapaganda sa gabi. Habang  manghang mangha si france sa kanyang nakikita, ay bigla namang umimik si jayvee.

“dito ako madalas pumunta kapag nagbabakasyon kami dito. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin, nakakarelax, parang wala kang problemang dala”

Hindi akalain ni france na ganito pala si Jayvee.

“sabi ko noon dadalhin ko dito ang babaeng papakasalan ko, pero parang malabo na atang mangyari yun”

“bakit naman?”

“simple lang may mahal na siyang iba”

“jayvee marami pa namang iba”

“pero siya lang talaga ang nagiisa”

“alam mo, napakaswerte ng babaeng mamahalin mo at dadalhin mo dito”

Napatingin si jayvee kay france… na pinagmamasadan ang magandang tanawin “bakit naman?”

“kasi pakiramdam ko, iba kang magmhal. Ibibigay mo ang lahat para sa kanya, handa kang magsakripisyo ng kahit ano para sa kanya, ni hindi ka magdadalwang isip na ibigay ang lahat ng gustuhin niya. At sabi mo nga mamahalin mo parin siya kahit hindi ikaw ang mahal niya.”

Tumawa ng bahagya si jayvee.

“martir ba?”

“hindi rin. Nagmahal ka lang jayvee.”

“sasabihin na natin sa kanila mamaya?”

“sige para matapos na” that shuts jayvee down. Ang sakit marinig ng mga katagang ito.

“uh france may sasabihin sana ako”

“ano yun?”

“sasabihin ko sana na…. (kring kring...kringg kringgg)

“saglit lang jayvee”

……mahal ki-”

“hello zeke? Oh! Napatawag ka?” nakangiti pang sabi ni france.

Umaasa Lang ako Sa Salitang SANA.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon