Jack's POV
⏪ FLASHBACK
Sa malayo pa lang, nakikita ko ng papalakad si Kiera papalapit sakin. Habang kumakain ng hinog na mangga. Takam na takam ako sa manggang kinakain niya kasi itsura pa lang matamis na matamis na. Lalo na yung amoy, maglalaway ka na. At yung kulay ng laman halos maging kulay orange na. Makikita ko kung gaanong sarap na sarap si Kiera sa manggang iyon habang papalapit.
"Uyyyyy besssss!! Ang sarap naman niyan! Pahingi naman ako!" sabi ko sa kanya.
"Tse! Ayoko nga! Binili toh ni Mommy para sakin!" saka itinago sa likod niya yung mangga.
"Ang takaw takaw mo talaga! Hmp! Tingnan mo nga yang katawan mo, ang taba taba mo na! Di ka kasi namimigay sakin!" asar ko pa sa kanya.
"Arggghhh!" halos manlaki ang butas ng ilong niya sa inis.
"Nyeee nyeee nyeee nyeeee!" asar ko pa ulit sa kanya.
Hahampasin niya sana ako kaso nakailag ako hanggang sa naghahabulan at nagtatawanan kami.
Ilang minutong paghahabulan, natumba si Kiera at nahulog yung mangga niya at nadumihan.
"Uwaaaaahhhhhhh!!!" napakalakas niyang iyak.
"Uyyy! tahan na bes!" tinulungan ko siyang tumayo saka pinagpag ang damit niyang puno ng alikabok.
"Ikaw kasi! Uwaaaahhhhhh!" iyak niya pa din.
"Ayan kasi, hindi ka namimigay sakin. Ayan tuloy napala mo.. hehehe.." hirit ko pa.
"Hmmpp!" tumalikod siya at naka-cross arm, galit galitan kunwari. "Palitan mo yang mangga ko! Hmmmppp!"
"Hala! Eh? Paano yan wala akong perang pambili?!"
"Gumawa ka ng paraan!"
Naupo ako sa damuhan at kunwari nag-iisip ng paraan.
"Alam ko na!" tumayo ako at hinila siya.
Kumuha ako ng kahoy saka nagbungkal ng lupa.
"Hoyyy! ano yang ginagawa mo? Wala namang pera jan sa ilalim ng lupa?!" pagwewelga niya.
"Oo, wala nga! Pero pwede nating paramihin tong mangga mo! Para mapalitan ko yan!" saka pinulot ko yung mangga at tinabunan ng lupa.
"Duhh! Eh matagal pa yan bago magkabunga!"
"Syempre kailangan natin mag-antay.. At kailangan din nating alagaan ito na parang sarili nating pamilya.." nginisian ko siya.
"Like what?"
"Kailangan diligan natin siya araw-araw hanggang siya ay lumaki ng lumaki.. At kapag tumubo natong tanim natin, saka ka magsawang kumain ng mga bunga niyan.. At simula ngayon, dito na tayo tatambay at maglalaro palagi.."
Sumang-ayon naman siya.
*Pinky swear*
END OF FLASHBACK~
Nagtawanan kami pagkatapos kong ikwento yung nangyari dati.
"Taba taba mo dati eh!" asar ko sa kanya.
"Tse! Atleast ngayon sexy na ako!" welga niya.
"Ayy!! Oo nga pala! Nakita ko kanina! Wahahahahaha!!" malakas ko pang tawa.
BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...