Winford's POV
'Good morning Sunday!'
Pagbangon ko, kinuha ko agad ang cellphone ko para i-text at batiin si Kiera.
To Keira:
Good morning! ☁☀☁
Nag-reply naman agad si Kiera.
*1 message received*
From: Kiera
Ang aga ah?! Punta ka dito sa bahay. Dito ka na mag-agahan.
'SERIOUSLY?! she's inviting me a breakfast in her house?! Unbelievable!'
Dali-dali akong bumangon saka naligo at nag-ayos.
Ilang oras lang nakarating na ako sa bahay ni Kiera.
"Wow! Mukhang napapadalas na ang pagbisita mo dito, iho ahh? Baka sa susunod mong bisita mag-jowa na kayo.." tukso samin ng kasambahay.
"Sana nga---" binara ni Kiera ang sasabihin ko sana.
"Wag kang mag-assume ng sobra, nakakamatay yan.." walang emosyong inilapag sa harap ko ang mabangong aruskaldo.
"Ambangooooo!" takam na takam kong sabi tas susubo na sana ako.
"Opppp! Sinabi ko bang sayo yan lahat?"
"Ay? Share pala tayo? Halika.. susubuan kita.."
"Ayiieeeee!" kinilig ang kasambahay.
"Buset! hindi ako ang kahati mo diyan! kundi si Manang Teri!" inis na inis niyang sigaw.
"Aweee! Yan gusto ko yan Kiera! Subuan mo na ako gwapong lalaki!" malanding pagkakasabi ng kasambahay saka dumikit sakin at akma naman akong lalayo.
Bahagya pang natawa si Kiera sa inasta naming dalawa ng kasambahay niya.
Masaya kaming kumakain habang kinukulit pa din ako ng kasambahay.
'Jusmiyo Marimar!'
Pagkatapos naming kumain, pumasok si Kiera sa kanyang silid habang ako ay nasa salas lang nanonood ng palabas.
Ilang sandaling panonood nakatulog ako. Nabuburyo kasi ako sa pelikulang iyon at nakakaantok.
Habang ako'y nakangangang natutulog, naramdaman kong may kumakalabit sa braso ko.
"Tara na?" nadidinig kong sabi ni Kiera habang nakapikit pa din ang mga mata ko.
"Saan ba tayo?" saka bumangon na sa napakalambot na sofa. Tas nilingon agad si Kiera sa likod ko.
O_o 'wtf?! Ang ganda niya!! Sheyyyttteeee!!!'
Bahagya pa akong napatitig sa kabuuan niya na medyo napapalunok na ako.
Naka-dress kasi siya na sobrang bagay na bagay sa kanya and nakapang-ipit ang buhok saka naka-doll shoes.
"Ano ba?! Nakakatunaw yang mga titig mo sakin.." inis niyang sambit.
"Ang ganda mo kasi ngayon.." pag-praise ko sa kanya.
"Tsss.. Tara na't magsimba na tayo.." aya niya sakin.
"Ehhh?!" hinila na niya ako palabas.
Samantalang ang suot ko is naka-sleeveless lang saka shorts and shoes. Feeling at home lang kumbaga.

BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...