Jack's POV
Papunta na ako sa next class kasama si Yashi. Nakita ko si Kiera papunta don. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, baka sakaling maabutan ko siya. Kaso, naudlot nung pinigilan ako ni Yashi.
"Jack, sa Canteen muna tayo. Gutom kasi ako at masyado pa kasing maaga for the next subject.." alok sakin ni Yashi.
"A-Ahh.. S-Sige.." napakamot ako sa ulo.
'Patay wala pa naman akong pera ngayon...'
Pagkapasok namin sa Canteen umupo agad si Yashi. That means ako yung mag-oorder, and worst..... Ako yung magbabayad..
T_T
'Sana magbago desisyon niya..'
"Uhhh... A-Ano pala ang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm.. I want strawberry shortcake, Buttered Chicken and Milktea.. Thanks Jack.."
Napalunok pa muna ako. "O-Okay.."
'Patay.. Sana lang magkasya yung baon ko..'
"A-Ate.. Magkano po lahat kung Strawberry shortcake, Buttered Chicken and Milktea?" pabulong kong tanong sa tindera.
"Uhh.." *calculate* "458.00php iho.."
"Sige po, yan nalang.." saka kinuha yung pitaka ko, na ang laman ay 500 pesos lang.
>_<!!!
Magbabayad na sana ako nang....
"Ako na magbabayad ate, doblehin mo na yang order niya.." sabay abot ng 1k sa tindera. "Keep the change.."
O_O
'Si Kiera.....'
"Kumain ka din, baka magkasakit ka.." bulong niya saka umalis.
"O eto iho.." sabay abot ng pagkain.
Napapahiya akong kumuha ng isang tray saka lumingon-lingon nagbabakasakaling may nakakakita sa ginawa ni Kiera.
Inihatid ko na ang pagkain ni Yashi.
"How sweet!!! Same pa tayo ng kakainin.. Aweeeee!" kunwari na touch.
"Hehehe.. S-Syempre naman.. Ako pa.."
'Puchaaaaaaa!!! Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko..'
Yashi's POV
Habang ako ay nag-aantay sa order ni Jack, nakita ko si Kiera papalapit din sa counter para mag-order.
'Lupet netong babaeng toh! Nagawa pang dikitan si Jack kahit galit si Jack sa kanya! Kapal!'
Nung matapos mag-order si Kiera umalis agad siya. Buong akala ko pa naman sa Canteen din siya kakain, kasi kapag yun nangyari mamamatay siya sa sobrang pagseselos.
Maya-maya ay papalapit na si Jack at dala-dala ang foods namin.
Pagkatapos kumain ay pumunta na din kami sa class. Nakita ko si Kiera kumakain ng Sandwich at umiinom ng Mango juice.
'Ha!! Napapadalas na ata ang pagkain ng babaeng toh ah?! Ano yan stress eating?!'
I rolled my eyes nung magtama ang paningin namin. Maya-maya ay naupo na din kami ni Jack. Ginawa ko lahat ng pagpapa-sweet para makuha ni Kiera ang atensyon niya samin at magselos siya ng bonggang-bongga. Pero mas lalo akong nainis kasi halos lahat kinikilig samin except sa kanya. Patuloy lang siya sa pagkain na miya mo'y walang mga kasama.

BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...