Kiera's POV
'Goodluck nalang sakin, bukas na yung Intrams. Hayssss!'
Since, alam ko naman na ang gagawin ko para bukas. Di na ako sumulpot sa pinakahuling practice, sakit na nga ng katawan ko kung anu-ano ang pinapagawa sakin. I need to relax.
Kinuha ko na ang bag ko saka nagsimula nang maglakad-lakad sa labas ng campus.
Saka dumiretso sa malapit na Spa. Magpapa-whole-body massage ako.
Pagpasok ko, naghubad na ako saka sinuot ang robe. Tapos inalalayan na ako ng masahesta kung saan ako pupuwesto.
Maya-maya lang ay sinimulan na niya ang pagmasahe sa ulo ko.
"Ma'am, babalik lang po ako nakalimutan ko po kasi yung oil.." Pagpaalam sakin ng masahesta na nanginginig pa ang boses.
Hindi ko nalang din pinansin baka iba ang pakiramdam niya.
Maya-maya ay nadidinig ko na ang mga yapak niya papasok ng massage room.
"Good afternoon Ma'am, Sorry for waiting you so long. Masama po kasi ang pakiramdam nung isa kong kasama kaya ako muna ang mag-sub sa kanya." Rason ng masahesta.
"Sige lang.." saka sinimulan uli akong imasahe.
Naramdaman kong hindi masyado marunong mag-masahe ang isang toh. Saka ang gaan ng kamay parang di nag training. Di na din ako nagreklamo maganda naman ang pagkakapisil niya at nakakarelax. Baka bagohan lang. Saka nakatulog.
Nagising ako nung maramdaman kong humahapdi ang likod ko.
"Aww.." napaungol ako sa sobrang hapdi.
Napabangon ako at naramdaman ko ang mainit na likidong tumutulo sa likod ko.
Bumangon ako at tiniis ang hapdi saka tinignan ang likod sa isang whole-body sized mirror.
Pagtalikod ko, hindi ako halos makapaniwala sa nakikita ko.
Nakaukit doon sa sugat ko ay Bitch
Halos manlaki ang mata ko nung makita ko si Yashi sa likod ko na may dalang kutsilyo.
Saka sinugod ako.
"Mang-aagaw ka! Akin lang si Jack! Mamatay ka na!!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Saka itinulak niya ako at akmang saksakin.
Muntik akong mahulog sa upuan nung bigla akong magising. Pawis na pawis ako.
'Lintek, parang totoo lahat. Panaginip lang pala..'
"Kiera! Mag ready ka na! Magsisimula na ang Intrams maya-maya! Bilis!" sigaw sakin ni Jomarie.
"Huh? Ngayon agad? Akala ko ba bukas pa?" tanong ko.
"Hay nakoooo! Nananaginip ka na naman!!" saka niya ako hinila papuntang dressing room.
"Oh ayan!" binigay sakin ni Jomarie ang isang dress na mahaba saka tube at may pangtakip na gawa sa pinagkabit-kabit na straws.
"Akala ko-----"
"Tama ng satsat bihis na! Introducing palang kayo." sigaw uli sakin ni Jomarie.
"Oo nga pala.." Napakamot ako.
Sinuot ko na ang dress na gawa sa trash bags. Itim siya pero nilagyan ng dried leaves na nakahugis bulaklak saka nilagyan ng gold glitters. Napakaganda ng pagkakagawa. Nagniningning kapag itatapat ko sa ilaw.

BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...