Kiera's POV
'Is that you Jack?'
Nang maiangat ko ang aking mukha, sawi ako nung mapagtantong hindi si Jack yun. Mas lalo akong naiyak. Napahagulhol na ako.
'Atleast someones care for me..'
"Shhhh, tahan na Miss.." habang hinahagod yung likod ko.
Umuubo-ubo na ako sa sobrang pag-iyak. Habang yung lalaki patuloy pa din sa paghagod sa likod ko saka binigyan ako ng tubig.
Tinignan ko lang siya saka inabot ang tubig at ininom agad kasi tuloy-tuloy ang pag-ubo ko.
"Oh eto.." sabay abot sakin ang isang kulay black na panyo saka may floral design na white yung kulay ng mga bulaklak.
'Tsss.. Bading.. Kalalaking tao floral yung panyo..'
"Di ko kailangan niyan *sniff* *sniff*" usal ko.
"Isinga mo yan.." ngiting-ngiti pa din.
"Tse!" pahablot kong kinuha yung panyo saka suminga. "Isasauli ko nalang pagkatapos kong labhan.. Ipapalaundry ko nalang mamayang lunch.."
"Wag na.. Akin na, ako na ang bahala jan.." ngiting-ngiti pa din siya sakin.
"Nakakadiri ka.."
Binigyan niya ako ng tawang nagpapa-cute. "Sipon lang yan.." saka inilahad ang kamay niya. "Tumayo ka na jan.. madudumihan uniporme mo.."
"Wala kang pake!" hindi ko inabot ang kamay niya saka kusang tumayo. "Salamat dito.." turo ko sa bottled water. "Papalitan ko nalang mamaya.."
"Wag ka ng mag-abala, kusa ko yang binigay sayo.."
😊🌌
"Sige, mauuna na ko.." paalam ko sa kanya.
"Winford pala.." pakilala niya sakin bago ako makalayo pero di ko siya pinansin.
Classroom
Pagpasok ko, dire-diretso ako sa aking upuan nang walang lingunan. Hindi ko man lang napansin na nandoon na pala ang aming Prof na nagdidiskusyo.
"Miss Silva?! Why are you late?!" sigaw ng strikta naming Prof.
Hindi ko siya sinagot at nakipagtitigan lang.
"Answer me! Or else get out of this class, right now!"
Nang walang ano-ano'y tumayo ako saka lumabas. Alam kong nasakin ang lahat ng mata nila. Pero sa ngayon wala akong pake.
Sa Canteen nalang muna ako nagpunta saka bumili. Nagutom kasi ako kakaiyak.
"Ate, pabili nga po ng isang Creamy Carbonara saka isang mango juice.."
Pagkaabot sakin ng pagkain ko pumunta na ko sa desk kung san ako lang mag-isang kakain. Sinunggaban ko agad ang Carbonara.
Sa sobrang pagseseryoso ko sa pagkain di ko namalayang may ibang tao pa pala. Don ko lang napagtantong kinalabit na niya ako sa braso.
"Ikaw na naman?" tanong ko.
"Of course, pwede ba kita maging kaibigan?"
"Hindi.." diretso kong sagot.
"It's okay.. I'm always here as long as you will notice me.."
Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Papansin.. Tssss.." sabi ko.
"Yes I admit that.." tumawa pa siya ng bahagya.
"Wag mo ko idaan sa pa-englis-englis mo ahh?! Umalis ka nga diyan! Istorbo!"
"What if? I don't want?" saka siya umupo sa harap ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
'Gwapo..'
'Tsss.. baduy naman..'
Inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya. Saka akmang tatayo pero hinawakan niya ang isa kong kamay bago pa ko makatayo.
"I'm Winford Grey.. May I know your name?"
"Shkkk.. I'm not interested.." saka ko inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Hey, wait for me!" hinabol ako.
Hinarap ko siya. "Why are you always following me?!" sigaw ko sa kanya.
"Coz I like you.." smile pa din siya.
-.-# 'Seriously?!'
"Well, I don't like you!" prangka ko sa kanya.
"I don't care, the important is I like you and I feel comfortable being with you.."
"Duhhhhh! Just leave me alone! I don't care for your feelings!"
"Nope.."
Lagi siyang nakabuntot kung san ako pupunta.
"Wanna go somewhere else and have some fun? Or to make you feel better.."
"Wala ng iba pang magpapagaan sa loob ko kundi ang lubayan mo ko.."
"That won't happen.. Come!" hinila niya ako.
"Uyy ano ba!"
Dinala niya ako sa abandonadong music room. Kung san don ako nagluksa.
"I always stayed here alone.." Binuksan niya yung padlock ng door. "See? It's not locked.. Let's get inside.."
Di nako kumibo pa at sumunod nalang.
Binuksan niya yung ilaw. At tumumbad sakin ang sandamakmak na music instruments.
'Wow..'
Napapamangha ako kasi lahat ng instrumentong nandoon ay mga antique na.
"I cleaned every instruments.." Kumuha siya ng upuan saka pumwesto sa isang malaking Piano.
Nagplay siya ng isang song.
NP🎵A thousand miles (Piano version)
Halos mapanganga ako sa sobrang galing niyang mag piano.
"Can you sing?" tanong niya sakin.
"Nope.. Aalis nako, may klase pako sa next subject.. Salamat sa time mo.."
"Okay, see ya!" Paalam niya sakin.
Tumalikod nako saka naglakad.
"Kiera, Nice to meet you.." nagpakilala nako nung maramdaman kong mabuti siyang tao habang naglalakad pa din papalayo saka kinawayan siya patalikod.
"Nice name.." bahagya ko pang narinig ang bulong niya.

BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
TienerfictieAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...