Kiera's POV
'I did that on purpose.'
May something na nagtutulak sakin na halikan si Winford. Parang gusto kong obserbahan kung ano ang magiging reaksyon ni Jack. But then, I failed. It looks like it's nothing for him.
'I assumed again..'
Napahilamos nalang ako sa sobrang inis. Ilang ulit ko na kasing sinabi na last na toh Pero parang mismo ang sarili ko ang kumakalaban.
"What was that for?" biglaang pagsulpot ni Winford.
"Yung alin?" pretending like I don't know.
"Th-That....You know.. Basta.. You know it already.."
"Pshh.. It's part of our presentation.."
"Luhh? Di naman natin yon pinagplanohan ahh.."
"Well, don't think too much.."
"..Or you like me na?!" kilig niya pang saad.
"Nope.."
Nakita ko pa ang pagyuko niya na parang na dismaya sa narinig.
"... I adore you, as a friend.." pagpatuloy ko.
"T-T-Ta-laga?!" tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
"Stop it! Ok na! Bitiw na! Ano ba!"
"Noooo.. I like it when we're like this.." malumanay niyang saad.
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Did you hear that?" pagdiin niya sa ulo ko sa bandang dibdib niya.
"...It started to beat faster, the first day I saw you.." Saka niya ako iniharap. "Love at first sight though.."
Nanatili kaming nagtitigan.
Di ko alam, kung bakit parang may kung ano akong naramdaman sa sinabi niya. Parang napigilan ko ang aking paghinga ng dahan-dahan niyang ipagtapat sakin ang nararamdaman niya.
Nagugulohan ako sa nararamdaman ko.
"*ehem* I smell something fishy sa inyong dalawa ahh..." bungad samin ni Jomarie.
Kaya naitulak ko siya palayo. Napapayuko pa ako sa kahihiyan kasi naabutan niya kaming nagtitigan.
"A-ahh.. wala yon.. Labas muna ako.." para makaiwas sa panunukso ng bakla.
Jack's POV
Papasok na ako ng Coliseum dala-dala ang foods para kay Kiera. Nakita ko naman siya palabas.
Nang biglaang umulan.
Pumunta muna ako sa locker ko para kuhanin ang payong.
Pagbalik ko sa entrance nakita ko siyang tumatakbo habang tinakpan ang ulo sa mga braso niya.
Papalapit nako sa kanya para ilahad ang isang payong na dala ko.
Pero....
'Naunahan ako ni Winford..'
Nag-share sila sa iisang payong at nakahawak si Winford sa likod ni Kiera na para bang inalalayan siya papuntang Parking lot.
Sinundan ko sila, pero pagdating ko. Kumakaway na si Winford habang pasakay si Kiera sa kotse niya.
"Salamat ahh.." ngiting saad niya kay Winford.
Napayuko ako at napatitig sa lupa. Hinawakan ko ang aking dibdib. Parang ang sakit makita na masaya na siya sa iba.
Nung tuluyan ng makaalis si Kiera. Pasakay na din si Winford sa kotse niya.
"Teka lang.." natigilan naman siya at isinara uli ang pinto ng kotse niya.
"Anong kailangan mo? At bakit ka nandito?" malumanay niyang saad.
"May pabor sana ako sayo.." saka nilapitan siya. "Pakiabot naman ako kay Kiera.. Paborito niya yan.." inabot ko sa kanya ang pagkain.
"Ano toh?" habang hinahalukay ang nasa loob ng plastic bag.
"Wag mo ng pakialaman.. Hindi yan para sayo.." sarkastiko kong saad.
"Okay.." tapos akmang papasok sa kotse niya.
"Sandali lang.." natigilan uli siya.
"...Please take care of her.." sabi ko at nakayukong naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Подростковая литератураAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...