Third Person's POV
Months later..
Mag-iintrams na ang UMS (University of Monte Silva)
Sobrang busy ang mga students sa paghahanda sa darating na malaking event ng school. And also, may mga special guest ang skwelahan.
Habang ang ibang students and teachers ay abala na sa pagpipili kung sino ang gaganap sa Miss & Mister Intrams of the year.
Kiera's POV
'Ang boring naman...'
So, ang naging resulta is.. Si Yashi yung sasabak sa Future and si Cheska naman sa Present.
Sa lalaki naman si Jack.. as usual. at saka si Kurt na jowa ni Cheska.
Ang theme kasi ng contest is The Present and Future. Yung present ang susuotin ay mga old fashions. And sa Future is yung new generation na kasuotan ngayon. Gamit ang recycled materials.
Kaya tig apat na students every schools.
Eh, ako tamang noud lang habang nagpapraktis sila sa loob ng classroom. Praktis dito praktis doon sila.
Samantalang ako, nakatunganga lang eh alam ko naman na sasabak pa ako sa chess sa darating na Intramurals.
And natulog..
ZzZzzZzzzzzzzZZ..
Habang napapasarap ang tulog ko, nagising lang ako sa ingay ng sigawan nila.
"Sirrr! Sirrr.... Si Cheska!!" sigaw ng bading naming kaklase.
'Haaayyysss ang ingay..' 😑
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ng prof namin.
"Si Cheska po natapilok.. Omg! Mukhang nabali po ung paa niya!"
"Ano?!"
Saka halos sila lahat nagtatakbuhan sa kabilang room. Di ko pala namalayang lumipat sila. Kanina nasa harap ko pa sila nagpapraktis ee.
Daming nakikiusyoso na mga estudyante. Nakita ko nalang na binubuhat na ng prof namin si Cheska na umiiyak na sa sakit ng paa niya.
Saka maya maya may dumating na medic.
Nilagyan ng benda paa niya saka binuhat ulit para dalhin sa clinic.
Saka tarantang naglakad pabalik-balik ang bading na si Jomarie.
"Pano ngayon yan. Sana okay lang si Cheska. Hindi naman pwedeng pa ika-ika siyang maglakad habang rumarampa.." sabat ni Trina.
"Kaya nga hindi pwede.. Sana lang okay lang yung paa niya.. Malaking problema talaga toh.. Next week na yung Intramurals.."
'Ang laki ng problema ng mga Pucha, eh yung mga grades nga nila hindi nila pinroblema.. Jusme'
Ilang sandali dumating na ang Prof namin na may malungkot na mukha.
"Students, hindi pwedeng makasabak si Cheska at si Kurt sa contest.. Talagang malubha yung pagkakatapilok niya.. At kailangang ipa-x-ray baka may nabali o ano.. Sabi kasi ng nurse d pa siya makakalakad agad.."
"Eh? Sir?! Bakit pati si Kurt? Bakit natapilok din ba siya?" sabat ni Jomarie.
"Babantayan niya muna daw si Cheska kasi walang mag-aasikaso, alam nio namang OFW pareho ang parents ni Cheska.."
BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...