Chapter 12

6 1 0
                                    

Winford's POV

'Grabe na talaga ang kamalditahan mo ngayon Yashi. Bakit di mo magawang tumingin sa pinanggalingan mo?'

Pumasok ako uli sa bahay nila. Kinapalan ko na ang mukha ko. Pagdating ko doon, wala ng ibang tao kundi si Yashi na lamang na nagpupunas ng mukha.

"Yashi, sumosobra ka na ata sa ka-malditahan mo? Wala namang ginagawang masama yung tao ahh?!"

Binigyan niya lang ako ng blankong tingin.

"Ikaw na naman?! Please stay away from me, from us! Wag kang epal!"

"Epal?! Epal nalang ba talaga ako sa buhay mo ngayon?! Ehh, dati halos magkadikit na nga tayo!"

"Pwede ba?! Past is past!"

"Ganun nalang ba kadali sayong kalimutan ang nakaraan natin?!"

"Will you shut up?!"

"Hindi ako tatahimik kasi nagbago ka na simula nung naging marangya na ang buhay mo!!!!"

Halos mag-echo ang boses ko sa sigaw kong yun. Hindi ko na kasi napigilan ang emosyon ko.

Natahimik siya sandali bago pa nagsalita.

"Hinding-hindi ko gugustohing balikan kung saan man ako galing.. Alam ko, at alam mo kung ano ang pinagdadaanan ko.."

"Yes, I know. Hindi madali ang pinagdaanan mo. Kasabay mo akong lumaki. Kasabay mo kong naranasan ang pait ng buhay.."

"Wag na wag mo ng ipaalala sakin yan. Kasi matagal ko ng kinalimutan kung ano ako dati.. Patay na ang dating ako.."

"Maghunos-dili ka Yashi, kasi babalik at babalik sayo, kung ano ka dati. Kaya kung ako sayo, sanayin mo ng tumingin kung san ka galing.."

"Guard!! Sino bang nagpapasok sa kanya dito?! The party is over!" Sigaw niya sa mga guwardya.

Nilapitan ako ng tatlong guwardya saka niyaya palabas.

"Yashi, tignan mo kung ano ka dati.." pahabol ko pa.

Pero hindi na niya ako pinansin pa at tuluyang pumasok sa bahay neto.

Paglabas ko, kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Kiera.

["Hello?"] milagro at sinagot niya agad.

"Uhmm.. Kiera, Saan ka ngayon?"

["Nasa bahay na ako.. Bakit?"]

"Gusto ko sanang yayain kang magkape. Kung pwede lang?"

[Ok lang naman sakin..]

"Sunduin nalang kita diyan.."

[Sige..]

"San nga pala kita susunduin?"

[Dito na sa bahay ko..]

"Sige pakibigay nlng ang Address—.."

*toot* *toot* *toot*

'Langyang yon! Binabaan ako agad!?'

*Plong*

1 message received...

From: Kiera

205 Greenvillage St. thanks..

Please Love Me Back Bes! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon