Chapter 17: Intramurals IV (Yashi's Past)

7 1 0
                                    

Kuya Bert's POV

'Anlaking halaga naman ata ng perang ipapadala ni Ma'am Yashi. Ano na naman kayang pakana ang ginagawa niya?'

Papunta nako sa lugar kung saan nakasulat ang address sa likod ng litrato. Maya-maya'y narating ko na ang lugar at nag-tanong-tanong sa mga tao. Ilang sandaling pagtatanong ay naihatak ako sa isang bayan kung saan naalala ko si Ma'am Yashi.

Flashback

"Mang Bert, itabi mo muna ang sasakyan. Baka tayo'y madisgrasya kapag unstable ang sasakyan natin. I'll just call Mang Fredo to get us another van.." ani ni Ma'am Misuki.

"Mas mabuti po Ma'am. Baka kayo po ay ma-late sa iyong appointment.." pag-sang-ayon ko.

Pumwesto na ako para icheck ang Van. Habang ako'y nag-aayos ng sasakyan may isang batang babaeng kumalabit sa paanan ko.

"Kuya, pahingi naman po ng makakain. Maawa po kayo ako'y gutom na. Kahapon pa po ako walang kain.." nanginginig ang boses.

Hinarap ko siya kahit may mga dumi pa ako sa damit at sa kamay.

"O sya, sige iha. Ako'y gutom na rin kaya samahan mo ko.." pumunta kami sa isang fastfood na malapit lang sa pinark-kan ng Van. Nung papasok na kami, tinataboy pa siya ng guwardiya palabas.

"Hoy bata! Alis! Andito ka na naman para manghingi! Nakakaabala ka masyado sa mga customers! Ang dugyot at ang baho-baho mo pa!" pagtataboy ng guwardiya.

"Uhmm.. Sir, kasama ko po siya. Okay lang naman pong paalisin niyo siya dito pero wag niyo naman pong maliitin ang bata.." sabi ko sa guwardiya.

"Sir ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Ako po ang mapapagalitan kapag pinapasok pa ang batang yan dito.." sagot naman sakin ng guwardya.

Di ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa counter. Dinamihan ko ang order.

"Kuya, Maraming salamat po. Pero sa labas ko nalang po iyan kakainin. Baka po mapagalitan po si Manong guard.." sabi ng bata.

"Sige, samahan na kita.."

"Sige po.."

Ilang minutong pag-hihintay sa mga pagkaing inorder ko. Pumaroon na kami sa kanto kung saan sila madalas natutulog at nakatambay. Maya-maya'y may tinawag siyang isang batang lalaki na nanlilimos sa gitna ng kalsada sa mga sasakyang nakahinto kasi stop light. At niyaya niyang kumain.

Kumain lang sila ng kumain walang imikan. Makikita ko talagang gutom na gutom sila kasi simot lahat pati gravy. Kahit isang butil ng kanin wala. Yung buto ng manok wala nang natirang kahit konting karne.

"Maraming salamat po talaga sa pagkain, Kuya. Busog na busog po kami sa biyaya ninyo po.." sabi ng batang lalaki.

"Walang anuman iho. Salamat naman at kayo'y nabusog.."

"Opo.. Sobrang busog na busog po!" sabat naman ng batang babae.

"Oo nga pala? Saan ba kayo nakatira?" tanong ko.

"Kahit saan po.." sagot ng batang babae.

"Ha? Papaanong kahit saan? Madami kayong bahay na titirhan?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi po, wala po kaming bahay. Sa kanto-kanto lang po kami kung saan may raket.. Natutulog lang po kami sa tabi-tabi, maglapag lang po kami diyan ng Karton. Ayos na po yun samin.." sagot ng batang lalaki.

Please Love Me Back Bes! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon