Yashi's POV
Nakahanda na ang lahat. Disney Princesses and Prince ang theme ng birthday ko.
Maraming negosyante ang dumalo, friends ng parents ko. Andoon sina tita, tito, lola at lolo. As in, kompleto lahat. Pati mga kaklase and teachers na inimbitahan ko.
Napakaganda ng mga suot nilang mga gowns and suits. Halatang mamahalin.
Ilang saglit lang ay, nagsimula na ang aking party. Pero di ko pa din mahanap si Kiera.
Nasa gitna na ako ng mansyon at lahat ng bisita ay nandoon. Pagkatapos ay tumapat sakin ang spotlight. At dahan-dahang bumaba ng hagdan.
Nung nasa harap na ako ng mga tao. Tumapat kay Daddy ang spotlight at lumapit sakin na may dalang pulang roses. And we start to dance.
Inisa-isa akong sinayawan ng mga tito's at lolo's ko pati na rin ang mga business partners ni Mom & Dad. Last but not the least...
Si Jack.. Ang magsisilbing Beast ko.
We started to dance in front of many people. Napakasaya ko kasi feeling ko ako ang bida ngayon. Feeling ko naging si Belle ako sa movie na Beauty and the Beast.
Habang kami ay nasayaw ni Jack sa gitna may biglang nakaagaw ng pansin sa mga bisita ko.
Si Kiera...
Hindi ko lubos makita ang suot niya kasi natatabunan siya. Pero rinig na rinig ko ang tawa ng mga tao. Halos lahat nakatingin sa kanya at pinagtatawanan siya.
Alam kong sobra ko siyang napahiya sa mismong araw ko.
Nakita ko lang ang kabuo-an niya nung papalapit siya sakin.
Hindi alintana kay Kiera na pinagtatawanan siya ng mga mayayamang tao. Kahit naka all black na parang mangkukulam siya tas may mahabang sungay na design sa ulo and may mahabang cape na nakabalot sa katawan niya saka may dalang tungkod. Kumbaga yung costume niya ay yung kay Maleficient.
"Happy Birthday.." sabay abot sakin ang isang regalong nakabalot sa maitim na wrapper.
"Pffft! Weird!" di napigilang matawa ang pinsan kong si Yuki.
"Thanks.." sagot ko nalang.
Ilang sandali lang, dumating si Winford.
"Yashi?! Why did you do this to her?!" Pabulong niya akong sinumbatan.
"Excuse me? Do I know you? Sa pagkakaalam ko hindi kita inimbitahan? Since, andito ka rin lang okay you're invited, madami namang pagkain.." Pagkukunwari ko.
Nag-sign lang si Kiera kay Winford that she's okay.
Ilang minutong nakatayo kami sa harap ng madaming tao. Hinubad ni Kiera ang kanyang sungay na nasa ulo niya, at bumungad samin ang napakahabang braided hair niya na may mga bulaklak. Parang si Rafunzel yung sa pelikulang Tangled. Isinunod niya namang hinubad ang mahabang cape na parang jacket lng netong hinubad, at bumungad samin ang napakagandang itim na gown. Fit na fit eto sa katawan niya. And heart shape na tube.
To be honest umaapaw ang ganda niya. Nilibot ko ang paningin ko at halos lahat ng nandoon ay napanganga.
"Syempre, pinaghandaan ko ang araw na toh.. Thanks for inviting me anyways.." sabat niya.
Hindi ako lubos makapaniwala, that I failed!
Kinuha ko yung mic.
"We may now eat everyone.. The dinner is ready.."
Hindi ko alam kung napahiya ko siya o ako yung napahiya sa ginawa ko. Feeling ko mas bongga yung suot niya kesa sa suot ko.
'Hindi pwedeng matalo niya ako! Araw ko toh! At kailangan ko siyang mapahiya ng bongga!'
Habang nasa poolside nagdidinner ang lahat. May naisip na naman akong kalokohan.
Nakita ko si Kiera na kumukuha ng pagkain. Instead na ako yung gagawa, inutusan ko si Yuki para gawin iyon. Syempre ayokong masira ang image ko sa mga taong nandito.
Sinundan ni Yuki si Kiera. Habang patapos na ito sa pagsalin ng pagkain niya at paalis na. Pinatid siya ni Yuki upang mahulog sa pool.
And Yuki succeeded!
"Kiera!!" sabay na sigaw ni Jack at Winford.
Attention-seeker na naman ang bruha!
Nagulat nalang ako nung biglang tumakbo si Jack para isalba si Kiera.
"Kailangan ko siyang tulungan, hindi siya marunong lumangoy.."
'Dzuhh! as if I care? Bahala siyang malunod diyan..'
Kiera's POV
Kitang-kita ko kung paanong inutusan niya yung bata. Nakakainis ka na!
Inabutan ako ng towel ni Winford pero hindi ko pinansin iyon saka nilapitan si Yashi.
"Hoy ikaw! Hindi porket araw mo ngayon nagagawa mo na lahat ng kalokohan mo!" sigaw ko sa kanya.
Umakto siya na wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.
"Pinagbibintangan mo ba ako?!" sagot niya.
"Hindi kita pinagbibintangan! Hindi ako bulag para hindi ko makita kung paano mong inutusan yung bata!"
"Excuse me? Alam kong hindi ka bulag pero hindi mo alam pinag-uusapan namin?!"
"Talaga lang huh?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't kinuha ko yung cupcake sa mesa at pinahid sa mukha neto.
Halos hindi siya makapaniwala sa ginawa kong yon.
"Omg! What did u do to my beautiful face!?" Nagsisigaw na siya. "Mommy! Daddy!"
Automatic na lumapit ang mga magulang niya nung marinig siyang nagsisigaw. Hindi kasi nila ito napansin dahil busy sa kausap na ka-business partner.
'Isip bata.. Tssss...'
"What did you do?!" sigaw ng Mom niya.
"Kahit pa mag explain ako sa side ko ngayon, alam kong hindi niyo ako paniniwalaan kasi anak niyo siya.."
"Of course.. Mabait ang baby namin.."
"Pffft! Mabait?! Magising na ho kayo sa katotohanan. Mukha lang yang Prinsesa pero kung tutuusin siya yung Beast.."
"Aba! Bastos kang bata ka! Kala ko ba magkaibigan kayo ha?!"
"Gusto ko sana, kaso yang anak niyo ay suwail!"
"Guard!" sigaw ng Daddy niya.
"No need na ho Sir, may mga paa naman ho ako para maglakad palabas. Hindi ko na kailangang magpabuhat diyan sa mga guwardiya niyo.." saka sila tinalikuran.
"Party-wrecker!" sigaw ni Yashi.
"The party is over! All of you can go home now!" sigaw ng lolo ni Yashi.
Walang lingunang dumiretso ako sa kotse ko. Kaya hindi ko napansing sinundan ako ni Winford.
"Are you okay?" tanong niya.
"Yes, I'm fine.. Got to go.."
"Okay.. Drive safely.."
Tinanguan ko lang siya saka pinaharurot ang sasakyan.

BINABASA MO ANG
Please Love Me Back Bes!
Teen FictionAlam mo yung feeling na, mahal mo siya pero hindi mo alam kung kaya ka niyang mahalin pabalik? Kasi ako, Oo, yun yung nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong masira yung pinagsamahan namin. I realize that I have crush on him...