XX. Solutions

1.9K 58 7
                                    

Surprise! Presenting...Chapter 20! Enjoy!

***Dawn's POV***

"...tayo ang magka-date sa araw na yun." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano ba talaga ang gustong mangyari nito sa buhay niya?! Nakakainis na, ha!

"Says who?!" Tanong ko sa kanya habang tinititigan siya ng masama. I didn't care if Rachel and her friends were there. Uunahin ko muna itong ungas na 'to. 

"Says me!" Sagot niya with full confidence. Hindi na talaga ako makapaniwala sa taong ito! Bakit ako? Bakit sa akin siya nangungulit ng ganito? Ang daming babaeng nag-ka-kandarapa sa kanya sa buong Monte Carlo! Tumayo siya at lumakad na palabas ng Cafeteria. Hindi ako makaka-payag na ganituhin niya lang ako.

"Pineda!" Napatayo ako sa sobrang inis. Nakita kong napatingin ang karamihan sa akin at tumahimik ang Cafeteria. Kinuha ko ang bag ko mula sa upuan ko at sinundan sa labas ang hambog.

"Hoy! Hoy!" Tawag ko sa kanya nang nasa tapat na siya ng Main Building at paakyat na. Huminto siya at humarap sa akin. Parang sinasadya niyang deadmahin ako kahit kanina ko pa siya tinatawag. "May problema ka ba sa akin, Pineda?!"

"Problema? Wala, Dawn, bakit mo naman iisipin na may problema ako sa iyo?" Nakahawak ang isang kamay niya sa strap ng backpack niya at ang isang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng pantalon niya. Tinitigan ko siyang mabuti kung nagbibiro lang siya, pero kumunot lang ang noo niya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, ha? Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin? Pinag-ti-tripan mo lang ba ako? Kasi hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa 'yo--"

"Gusto kita." Napatigil ako sa pagsasalita. Ako naman ang napakapit ng mahigpit sa strap ng backpack ko. Ano ba'ng sinasabi nito? Ako, gusto niya? Isang napakalaking joke! Ngumiti siya sa akin at hinawakan na naman niya ang pisngi ko. "Hindi ko din alam kung bakit o paano, pero...gusto kita, Dawn. At gagawin ko lahat para mapalambot 'yang puso mo."

Tinapik ko ang kamay niya mula sa pisngi ko. "Nasisiraan ka na ng ulo, Pineda!" He just shrugged and continued to walk into the Main Building. I stomped my foot and pulled my hair. Sira ulo siya! 

Tumunog na ang huling bell para sa araw na ito na senyales na tapos na ang Finals. Relief was heard all over the room and even in the hallways. Akala mo, graduation na. Nilalagay ko na sa loob ng bag ko ang calculator na ginamit ko sa Math exam namin nang may tumawag sa pangalan ko.

"Dawn." Lumingon ako at nakita ko ang nakatayong si Domingo sa tabi ko. 

"Bakit?" Humarap ako sa kanya at isinuot na ang backpack ko.

"Goodluck." It took me a few seconds to process what he said. Yung pustahan pala namin ang sinasabi niya, halos nakalimutan ko na yun sa dami ng iniisip ko. Kapag siya ang tinanghal na Top of Class, magiging alipin niya ako sa buong Senior year namin. Pero kung hindi, kabaligtaran naman. I stood up so I could meet his eyes.

"Baka ikaw ang nangangailangan ng 'Goodluck', Domingo. The deal doesn't concern me, pumasa man ako o hindi sa exams, ikaw naman ang pagbabasehan sa pustahan natin." He let out a small chuckle and shifted his weight on his other foot. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I'm not talking about the deal. Pero dahil binanggit mo na rin, I'm not worried about that. I'm confident that I'll be Top of Class this year." 

"T-Teka. Hindi tungkol 'to sa exams? Eh tungkol saan?" May iba pa ba kaming pinag-pustahan?

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon