XXXIX. One More Chance?

934 30 55
                                    

Isa pang update bago mag-start na naman ang week na ito! Dahil may umiinit na ang ulo, eto pa pampa-init ng ulo! hohoho!

Dedicated pala ito kay MMJ_1974. Ito na siya, girl! Salamat sa pag-suporta sa TLISA! :)

Last time I checked our beloved story ranked 54th today under Mystery/ Thriller genre! Yay! Salamat sa lahat!

Soundtrack pala ng chapter na ito ay The Man That Can't Be Moved by The Script. Chapter 39, pasok! :)

***Vince's POV***

"Miss Monte Carlo High 2015 is... Khione Saavedra, class 4-2!" I knew she's going to win this, pero umasa pa rin ako na may laban si Dawn. Oh, well! 'Di bale na. For me, the only winner's Dawn. I watched as people took photos of the candidates at lumakad na ako papunta sa gilid ng stage para dun na abangan si Dawn.

"Pababa na sila, Vince." Romina told me bago siya pumasok sa dressing room kasama sila James at Mellen. I fixed the bouquet of tulips in my hand habang inaantay ko siyang dumating. Pinadeliver ko pa ito separately para lang sa kanya.

I heard footsteps approaching me at napangiti ako. Siya na 'to. Iniangat ko ang mukha ko nang na-tantsa kong malapit na siya and with all smiles, I greeted her. "Congratulations!"

"Wow! Thank you, Vince!" The next thing happened so fast, hindi ko na nakuhang bawiin ang pagkakamali ko. She hugged me and planted a kiss on my lips. I pushed her away at binawi agad ang bouquet sa kanya.

"What is your problem, Khione?!"

"Why? Vince, why are you shouting at me?"

"Bakit mo ginawa 'yun?! God! You're so impossible!" I walked away from that place and searched for Dawn in the area.

"Boss, sigurado po ba kayong okay lang? Baka magalit po kasi si Principal Abad, eh." If Dawn's in the Girls' Dorm, there's no way na mahahabol ko siya dun. Using this mobile was the first thing that came in my mind para makausap ko siya or marinig niya man lang 'yung sasabihin ko.

"Manong, okay lang po 'yan. Student Council President po ako, sagot ko kayo kay Principal Abad." Agad kong kinuha ang microphone at pinindot ang buton para marinig sa buong Dorm area ang sasabihin ko.

"Okay po, pero bilisan niyo lang po."

"Hello?" I tested the sound at narinig ko naman ang boses ko ng malakas at malinaw. "Princess Dawn Dominguez, please talk to me. Uhm..." Ano pa ba'ng sasabihin ko? Nakita kaya niya kami ni Khione kanina kaya siya biglang nawala sa campus grounds at dumiretso sa Dorm, kung saan hindi ko siya mahahabol? "Dawn, please... Whatever you saw, that's not what you think it is! Please... Give me a chance to explain." I dropped the microphone at lumabas na ng mobile. Umupo ako sa lapag at nag-antay. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya nakaka-usap.

***Red's POV***

"What the hell, Vince?!" Napa-bangon ako sa kama nang marinig ko ang mensahe niya para kay Dawn. Ano na naman kaya ang nangyari sa kanilang dalawa? Kanina lang, okay sila, ah? "Tsk!" I grabbed my jacket from my chair at lumabas ng Dorm to check on Vince. Hindi na ba matatapos ang complications ng relationship nila?

I reached the Dorm entrance at nakita ko agad ang mobile na ginagamit ni Principal Abad kapag may announcements siya last year. Ang akala ko tatanggalin na 'to bago mag-start ang bagong school year? I walked faster at nang marating ko ang mobile, hindi ko maipinta ang itsura ni Vince.

"Vince. Vince, halika na sa Dorm." He was seating on the ground and his back rested on the mobile's tire. His coat was also on the ground at naka-loose ang necktie niya. He looked so sad, parang natalo siya ng malaki sa isang pustahan. What could have happened in a matter of hours para maging ganito ang sitwasyon nila? I tried to pull him up, but he just wouldn't cooperate.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon