Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2

816 22 7
                                    

Update ulit! Isang bonus chapter na lang! Enjoy~

***Red's POV***

"Red? Red. Red!" I blinked and saw the floor ahead.

"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko na unang tumama sa sahig. Umupo ako inalog-alog ang ulo ko. Panaginip. Panaginip lang.

Sa panaginip ko na lang naririnig ang boses niya. Nababaliw na yata ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kung kailan graduate na kami ng high school at magkaibang landas na ang tatahakin namin, ngayon pa lumala itong nararamdaman ko. She has moved on, do the same!

"Red, kain na, anak. May pasok ka na ngayon, bangon na." Pagkatok ni Mommy sa pintuan ng kwarto ko.

"Opo, susunod na."

Unang araw ko nga pala ngayon sa Brent International School. Ito ang unang eskwelahan na nagpadala sa akin ng acceptance letter, kaya dito na ako nag-enrol. Alam kong nakapasa din ako sa Reed University, kung saan siya nakapasa, pero mas pinili ko na lang ang buhay na malayo sa kanya. Mas mabuti na siguro ito para sa amin.

Maliit lang ang Brent International School. Makikita ito sa gitna ng isang siyudad sa Manila at napaliligiran ito ng mga mall, ospital, ibang eskwelahan at mga condominiums. Kaunti lang ang estudyante nila, they wanted to make sure that they always produce great products. They didn't care about the money, they chose to have a better reputation of having the most successful graduates. Kapag BIS ang nakasulat sa resume mo, tanggap ka na agad sa trabaho.

Tumayo na ako at kinuha ang twalya ko sa aparador. Hindi boarding school ang BIS. Thirty minutes lang naman ang byahe mula sa amin hanggang doon via FX. Mas mabuti na rin 'yung nakakakita ako ng iba't ibang bagay maliban sa eskwelahan na papasukan ko. Nakita ko ang box sa tabi ng aparador ko na may sulat na 'Monte Carlo'. Hindi ko pa naayos ang mga gamit na ito simula nang umuwi ako dito. Sinipa ko ang box papunta sa ilalim ng kama ko at dumiretso na sa banyo para maligo.

***

Pumara na ako ng FX at naupo sa likurang parte nito. Isang may-edad na babae at isang binatilyo ang magkatabing nakaupo sa tapat ko. Nagbayad ako kaagad at inilagay ang headphones ko sa tenga ko para makinig ng tugtog mula sa cellphone ko. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang FX at sumakay ang isang babae. Naupo siya sa tabi ko at agad isinara ang pintuan ng sasakyan. Dumukot siya sa handbag niya ng pera at nagbayad.

"Bayad po! BIS lang!" Kinuha ko ang pera niya at iniabot ito sa nasa unahan ko. Maya maya'y iniabot ng nasa unahan ko ang sukli niya at iniabot ko naman ito sa kanya. Doon ko napansin na estudyante siya ng BIS-- puting blouse at pulang palda. Napansin ko din na parang may mali sa kanya, hindi ko lang masabi kung ano. Binalewala ko na lang ito at umidlip ng kaunti.

Napamulat ang mata ko nang may maramdaman akong mabigat sa balikat ko. Lumingon ako at nakita kong nakasandal na sa akin ang babaeng katabi ko. Alam ko na kung ano 'yung mali sa kanya. Mukhang may hangover itong taong ito. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya at mukhang wala pa siyang tulog. Unang araw ng klase ngayon tapos nakainom siya. Perfect. I held her head and was about to push it when I noticed the teenage boy looking at us. Napapikit na lang ako ng mata at nagsimula na akong mainis sa sitwasyon.

I cleared my throat in the hopes that she would hear it. Sana maramdaman niyang hindi ako unan at wala siya sa higaan niya. I tried it twice pero walang nangyayari. Simple kong itinulak ng balikat ko at ulo niya at sakto namang nag-segunda ang FX kaya napaatras siya at umuntog ang ulo sa pintuan.

"Aray! Aray... Ano ba, badtrip naman! Natutulog 'yung tao, oh!" Nanlaki ang mga mata ko sa naging reaksyon niya. Siya pa may ganang magalit, ganun? Nagtama ang mga mata namin at nakumpirma ko ngang may hangover pa siya.

"Kung papasok ka, 'wag kang iinom. Kung iinom ka, 'wag ka nang pumasok." I looked away and she became silent. Maya maya'y bumaba na ang may-edad na babae at ang binatilyo. Lumipat ako sa kinauupuan nila kanina para maka-iwas sa natutulog na babaeng iyon. Grabe... Ano'ng klaseng tao ba ang iinom bago ang unang araw ng klase? Napa-iling na lang ako at tumingin sa kalsada.

"Oh, BIS! BIS! BIS na po!" Iginilid ng driver ang FX at nagbabaan na ang lahat ng pasahero nito. Maliban sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang gisingin o ano. Tulog pa rin siya at nakahiga pa sa upuan. Ayoko nang makarinig pa ng kahit ano mula sa kanya kaya minabuti ko na lang na iwanan siya sa loob ng sasakyan. Hindi ko kasalanang tutulog-tulog siya sa byahe at walang presence of mind. Well, sino ba'ng meron nun kung may ispirito ka pa ng alak sa katawan mo?

***

Dahan-dahan akong naglakad sa hallway ng Graham-Bell Building at inisa-isa ang mga classrooms para makita kung saan dito ang una kong klase. I held my class schedule sheet and checked each room numbers. Sa wakas nakita ko na rin ang una kong klase at pumasok na agad sa loob para makapagpahinga muna bago magsimula ang klase.

Ilang minuto rin ang lumipas at unti-unti nang napuno ang classroom. Isang lalaki ang pumasok na may dalang libro at log book. Nakasuot siya ng maroon na long sleeved polo at itim na slacks. May ID din siya at pangalan ng eskwelahan ang nakasulat sa lace nito. Siya na siguro ang professor namin.

"Good morning, class. I'm Mr. Ivan Calimlim, your English 1 professor."

Tumahimik na ang lahat at nakinig sa introduction na ginagawa ni Sir tungkol sa sarili niya at sa BIS. Maya- maya'y pinatayo niya kami isa-isa at nagpakilala kami sa buong klase.

"It was nice meeting you all. I would just like to inform you that this will be your block for the rest of the semester." He checked his log book and looked up back to us. "Are we missing someone?"

"Me." Napatingin kaming lahat sa may pintuan at isang hinihingal na babae ang nakatayo doon. "I'm Helene Eulogio."

My jaw almost dropped the moment I saw her. Siya 'yung babae sa FX kanina! Sa lahat ng pwedeng maging ka-block, bakit ang katulad pa niya? Sasakit na talaga ang ulo ko!

---End of Chapter 12.14.14

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon