XXXIV. Hesitations

1.1K 40 11
                                    

Kamusta? Gusto kong ituloy-tuloy ang pag-u-update nito kaya lang, ang daming nagpapa-bagal ng proseso! hahaha! Mabagal na internet connection, nakakapagod na shift sa trabaho, walang matinong oras para mag-update!

Anyways, heads up to you, citizens of Monte Carlo High, the story will be done by the end of October. Excited na ba kayo malaman ang big revelation? Isa pang spoiler alert: isa pang malapit kay Dawn ang mamamaalam sa atin. (Please don't hate me when that happens, ha?)

This chapter is dedicated to Musingera-- one of the newest citizen of Monte Carlo High! *showers confetti*

Enjoy reading, guys! :)

***Red's POV***

"So lahat ng iyon, unresolved pa talaga?!" She went silent for a few seconds as she tried to absorb the information that I just told her. This is ridiculous! Bakit ba na-uto ako ng batang ito para mag-kwento sa kanya? I just told her the incidents, but not the details. It would be like tossing her into a deep, dark well if I did.

"Pero gaya nga ng sinabi ko sa 'yo, iniimbestigahan na ito ng mga pulis."

"Pero wala pa rin silang lead na kahit ano. Alam naman natin ang justice system dito sa bansa natin, mas mabilis pa si Pong Pagong." She leaned against the table and asked another question, "Si ate Dawn, mas marami siyang alam kaysa sa 'yo, di ba?" Bakit ba pinag-ti-tiyagaan ko siyang kausapin? Hai...Oo nga pala, wala na yung mga dati kong kausap, busy in their little bubble of love.

"Maybe. Hindi ko masasabi yan, kasi kung sinabi niya din sa akin ang mga alam niya, malamang nasabi ko na rin sa 'yo ang mga iyon."

"Unless you're not telling me everything?" She raised a brow and I just stared at her wide-eyed. Hindi talaga ako makapaniwalang ang isang batang tulad niya eh sobrang engrossed sa mga bagay na ito.

"What's in it for you, anyway? Bakit ba masyado kang interesado sa mga information na ito?"

"I just want to know. Titira ako dito for two years, so kailangan malaman ko kung anong meron sa lugar na titirahan ko. I don't want to be a stranger in my own land. So, kuya Red, is there anything else na kailangan ko pang malaman?"

"Yun lang ang mga dapat mong malaman." I stood up at lumakad na ako patungo sa direksyon ng pintuan ng Library. I looked at my watch at napansin kong isang oras din akong nag-stay sa loob. Feeling ko, isang buong araw akong nakipag-usap sa makulit na iyon.

"Kuya, kuya, sandali!" Joyce ran after me nang makalabas na kami ng Library. "Sa tingin mo ba, sasagutin ni Ate Dawn yung iba ko pang tanong?"

"Ewan. You can try, pero I'm warning you, it won't be as easy as what you did with me."

"Bakit? Masama ba ugali niya?" Medyo hinihingal na siya sa kakahabol sa akin. I stopped on my tracks and she fanned herself using her notebook as she waited for my answer.

"Hindi masama ang ugali niya. Huwag mo siyang pag-iisipan ng ganun, hindi mo pa siya kilala." I took a step forward and napag-desisyunan ko na lang na bumalik sa Dorm at matulog. The next thing she said made me stop walking.

"Gusto mo siya, no?" I turned to face her at gusto ko siyang itulak or something para tumigil na siya. Sinusubukan kong alisin ang isip ko sa taong iyon, tapos ito naman ang isang ito, nagpapa-alala sa akin sa kanya. I tried to calm myself and just walked away.

***Vince's POV***

"So, saan ka madalas tumatambay dito sa campus?" Khione took a sip of her Coke and it's very evident in her tone that she's flirting with me. Ugh! Can't believe I let Dawn get away again. At dahil na naman sa babae! Ano ba, Vincent...Kailan ka ba titigil sa pagiging chick magnet?

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon