Phew! Maulang gabi, Monte Carlo! Last update for the week, guys!
This is dedicated to sam09zel, for the wonderful book cover! I will use that once the story's down to it's last 5 chapters. Thanks so much!
Soundtrack for the chapter is Keep Holding On by Avril Lavigne. Spoiler: Media box.
Got more clues? Share them on the comments box below! :)
***Red's POV***
Anim na lang sila. Si Dawn, si Joyce, si Pete, si April na taga-class 3-1, at sila Dion at Raymond na taga-class 4-7. 10:30 na ng gabi. Nakabalik na si Vince at umakyat lang sa kwarto para magpalit ng damit. Sobrang lungkot niya pagpasok niya ng Dorm Gates. Hindi niya ginusto na sa ganung paraan lang siya natanggal sa Games.
"Mabilis talaga si Jacob, bro. Okay lang 'yan. Dawn can win this."
"Nag-aalala pa rin ako, Red. 'Yung mga natitira dun, seryoso sila na matalo siya."
"Wala ka bang tiwala kay Dawn?" He sighed and sat beside me. I handed him a bottle of water at agad naman niya itong ininom.
"Of course, I trust her. She's the only person I trust, well, next to you siyempre. Ikaw pa rin ang best buddy ko!"
"Thanks for that." Sarcastic kong sabi. We both laughed at biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Nga pala, pare..."
"Ano 'yun?"
"Remind me to mark my calendar later."
"Why? Anong meron ngayong araw na 'to that's worth marking on your calendar?"
"Sinagot na ako ni Dawn kanina."
Napatitig ako sa kanya habang nakatingin siya sa malaking screen sa harapan namin. Sobrang saya ng mukha niya, ibig sabihin totoo. I would mark my calendar later, too. Ito ang araw na ililibing ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. She's officially his.
"Final six Tributes are in the Games-- Joyce Montilla from class 2-1, April Marie Pacis from class 3-3, Princess Dawn Dominguez and Peter Castillo from class 4-1, Raymond Ignacio and Dion Pelipel from class 4-7. You have until tomorrow noon to finish the Games. The prize and the pride will be forfeited after that. That's all for now." Principal Abad's voice was heard all over Monte Carlo at nagpatuloy na sa pagkilos ang mga Tributes para matapos na ang walang kwentang Games na 'to.
"Red! How's she doing?" Vince asked paglabas na paglabas niya ng Dorm. Basa-basa pa ang buhok niya, pero hindi niya ito alintana dahil gusto niyang mapanood si Dawn hanggang matapos ang Games.
"They stopped for a few minutes dahil sa announcement ni Principal Abad, pero on the move na ulit sila."
"Raymond and Dion are the threats. Buti nga wala na si Jacob diyan, eh." He ordered two shawarma with rice at naupo sa tabi ko while he waited. Seryoso ang lahat sa panonood nang biglang dumilim ang screen at ilang segundo pa ang nakalipas ay dumilim din ang buong Monte Carlo. Screams could be heard on both Dorms, ang iba ay nagpapanic na.
"I have to check on her." I felt Vince stood up at naka-ilang hakbang pa lang siya papunta sana sa Dorm Gates nang magliwanag muli ang mga screen. It showed Principal Abad's Office pero wala na siya doon sa puwesto niya kanina. Bigla akong kinabahan.
"Students of Monte Carlo, good evening!" It was a man's voice. Pero halatang hindi ito ang totoong boses ng kung sinuman ang nagsasalita. I saw the Admin Personnel staring at the wide screen with confusion and fear. Shit. Hindi kasali ito sa Games. Tumakbo si Vince papunta sa Dorm Gates kasunod ang isa sa dalawang Admin Personnel. The Principal could be in trouble.
BINABASA MO ANG
The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Mystère / ThrillerAkala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story. [EDITING FOR MANUSCRIPT SUBMISSION]