XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen

1.2K 35 16
                                    

Happy first day of October, guys! New, month, new chapter! DawnCent? ReDawn? Which side are you in? I already added a photo in the media box! Yay! Kaya walang photo or vid sa mga previous chapters kasi ang bagal ng net ko at ang nagagawa ko lang eh mag-save ng text dito. I can't search Google or go to YouTube. Pero ngayon, okay na ulit, kaya meron na ulit laman ang media box! Check it out, guys! :)

***Vince's POV***

First day of Senior year! Yup! We're back in Monte Carlo High School! The vacation was short, yet, meaningful. Oo, ako na ang nagiging makata at cheesy. Playboy na kung playboy, bolero na kung bolero. Pero itong nararamdaman ko, totoo talaga. Nagbunga lahat ng hirap ko nung bakasyon kasi kami ni Dawn... hindi pa rin kami. Pero okay lang din, kasi hindi ko naman siya minamadali at mas lalong hindi ko siya pinupwersa. Willing talaga ako mag-antay kung kailan siya magiging ready.

Sigurista ba kamo? Alam mo yung feeling na alam mong may mangyayari pero nag-aantay lang ng tamang tyempo? That's exactly what's happening between me and Dawn. I could feel na the feeling was mutual, just on different levels, she's just hesitant about it. I don't know, baka ina-assess niya pa yung sarili niya kung ready na ba talaga siya to get into a relationship? Pero ang sigurado ako, I already had a spot on her heart.

"Ang aga mo, ah? You usually come in late." Red's always the first one to come back from vacation. Masyado kasi siyang keen sa oras at naka-manage na lahat ng activities niya for the day. Sa isang araw na ang simula ng school year at excited na ako para doon.

"Pare, hindi ba pwedeng mag-bago kahit konti?" We then laughed together. "I still had to check on some things with the Admin, kaya din ako bumalik ng maaga. May mga bagay na sasabihin si Principal Abad para maganda ang pasok ng school year na ito." The room became silent for a minute. Pareho siguro kami ng iniisip ni Red tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang school year. Kaya mas determinado akong makabalik agad para malaman na ang mga update tungkol sa kaso ng Villanueva twins. Dawn's still freaked out about the incident at talagang ayoko nang bumalik siya sa dating Dawn dahil sa mga ganitong insidente. I would do everything just to keep her safe in our last year here in Monte Carlo.

***Dawn's POV***

"Ang sabi ko kasi sa'yo, huwag mong gagamitin yung mga gamit ko! Ayan tuloy, nakalimutan mo ibalik sa akin yang laptop ko! Ano na lang gagamitin ko ngayon dito?! Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahati-- Naku, ewan ko sa 'yo! Basta, dapat ihatid mo yan sa akin ngayon o kaya bukas! Sa isang araw na kaya ang start ng klase! Siguraduhin mo, kasi talagang isusumbong kita kina Mama at Papa! Sige, bye!" I waited until the girl inside stopped ranting over the phone bago ako pumasok ng kwarto.

"Hi." Pagbati ko sa kanya when I came in. I smiled at her but she just stared at me. Baka mainit pa yung ulo niya? I walked towards my side of the room and put down my bag on the floor. "I'm Dawn, by the way. Dawn Dominguez."

"Freshman?" Umiling ako at naupo siya sa gilid ng kama ni Rachel. Este, kama na pala niya ito ngayon. "Sophomore?" Umiling ulit ako bago sumagot.

"Senior." She sighed and I saw her shoulders slumped.

"Joyce Montilla. Sophomore." She was wearing a yellow sleeveless blouse and a pair of white jeans. She looked so young, pwede pa siyang mapagkamalang elementary. She had her things scattered all over Rachel's place at hindi pa rin ako maka-move on na wala na si Rachel sa side na iyon ng kwarto.

"Need help unpacking?" It was the same question Rachel asked me on my first day here. I was pulling out some new clothes out of my bag that I brought from home at isa-isa itong inilagay sa loob ng closet ko.

"No, I'm okay. I'll get this cleaned up in a bit. Sorry, na-buwisit lang kasi ako sa kapatid ko, hindi kasi binalik yung laptop ko dito sa bag. Matagal ka na dito?"

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon