You're our young lady
TitleNagdadalawang isip si Shemerah kung magpapakita ba siya sa mga magulang niya o hindi. Hindi siya umuwi sa bahay nila sa Pilipinas kundi umupa na lamang ng apartment na pinagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Ryder.
Bumili siya ng bagong cellphone. Iniwan kasi niya ang cellphone niya baka kasi may nilagay na tracking device ang lolo niya rito. Bumili na rin siya ng mga bagong damit at iilang piraso ng panlalaking kasuotan para sa disguise niya sa tuwing lalabas siya.
Nag-alala kasi ang lolo niya na baka makilala siya ng pamilyang nasa side ng kanyang ina. Kaya para di siya makilala, magdidisguise na lamang siya. Bumili siya ng fake kilay, fake na begote, brown na make-up at eyeglasses na rin. Mamaya ipapaputol niya ang kanyang buhok para siguradong lalaking-lalake siyang tingnan.
Nang mapagod sa paglilibot mag-isa sa mall, naisipan niyang umupo na muna sa may waiting area maalapit sa entrance. Inayos ang sumbrero at isinandal ang likuran sa upuan habang nakacrosslegs.
May mga pumasok sa entrance na mga nakablack suit. Anim na nasa late twenties at anim na kaedad lang niya. All of them look refine and elegant na parang mga bodyguard ng presidente tingnan, at kahit na para ring mga mafia o mga goons dahil sa black suit nila. Hindi niya pinansin ang mga itong nililibot ang paningin sa buong paligid. Hindi niya pinansin na tumigil ang tingin nila sa kanya na wari nabunutan ng tinik ng makita siya. Hindi na niya pinansin kahit nakita niya ang mga itong mabilis na naglakad palapit sa kanya.
Bahagya na ring tumaas ang kanang kilay niya habang iniisip kung siya ba ang pakay ng mga ito? Hindi na niya iyon pinansin, baka kasi nasa likuran lang niya ang tinitingnan nila. Pinagmasdan na lamang niya ang kanyang bagong biling cellphone at nakikonek sa wifi ng mall.
Napadako ang tingin ng mga tao sa mga bagong dating. Hindi man kasi nalalagay sa kategorya ng mga masyadong gwapo pero nabibilang parin naman sila sa kategorya ng mga gwapo kaya may iilan din naman ang mga humanga sa mga bagong dating. Siya naman walang pakialam. Ano naman kung may mga parang mafia ang dumating? O ba kaya mga mukhang bodyguard ng presidente? Pake ba niya? Basta ba hindi lang bodyguard ng lolo niya, ayos lang. Ayaw niyang bumalik sa Amerika nang di pa nasasagot lahat ng mga katanungan sa isip niya.
Hindi na niya pinansin na halos takbuhin na ng mga bagong dating ang gap palapit sa kanya. Hindi niya pinansin na nasa tapat na niya ang mga ito. Pero hinihintay niyang magsiupuan din ang mga ito para magpahinga.
"Young Lady!" Hindi niya pinansin ang galak sa boses ng mga ito nang makita siya. Hindi niya tiningnan na yumuko ang mga ito nang makalapit sa tapat niya.
"Young lady. Mabuti at nakita na rin po namin kayo sa wakas." Hindi sana niya papansinin ang nagsalita kaso pansin niya na parang hinihingal ito na parang galing magmarathon.
Napaangat siya ng tingin at nakatagpong kilay na tiningnan isa-isa ang mga bagong dating. Lalong nagtagpo ang mga kilay niya makitang nakapako ang mga tingin nila sa kanya. Lumingon sa kaliwa, sa kanan at sa likuran. Wala namang ibang tao na nasa malapit maliban sa kanya.
"Are you....... Talking.... To me?" Mabagal niyang tanong at tinuro pa ang mukha.
Wag mong sabihing mga tauhan sila ni lolo? Ang bilis naman. Kakapasyal ko lang, mahuhuli agad? Hindi naman siguro ako agad-agad matagpuan di ba?
"Young lady, umuwi na po kayo. Nag-alala na po si Madam sa inyo." Pakiusap ng isa sa mga bodyguard sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo. Mukha kasing siya nga ang kinakausap ng mga ito. O ba kaya mga manloloko ito? Uso pa naman ngayon ang kunwari kakilala mo sila. Kunwari kilala ka nila at sabihing sasamahan kang umuwi o ba kaya tutulungan ka nilang magdala ng mga gamit mo, iyun pala itatakas nila, maaari ring kikidnapin ka.
"Young lady Shymerah. Pakiusap po. Sumama na po kayo sa amin." Halos panabay na sabi ng anim. Yung anim naman na nasa likuran nakayuko lang.
Shymerah? Kailan pa nagiging Shy ang Shem sa pangalan niya?
Nagkatinginan naman ang anim na nasa likuran.
"Josh, bakit parang di tayo kilala ng young lady?" Bulong ng isa sa katabi.
"Malay mo, nagpapanggap lang." Sagot naman ng isa. "Tingnan mo nga o, nag-disguise pa siya at nagsuot ng panlalaki." Dagdag pa ng isa na ikinatango naman ng iba.
"Buti nalang talaga, nasanay na tayong palage siyang nagde-disguise kaya kahit anong disguise niya nakikilala na natin siya agad." Sagot ng pinakabatang tingnan sa anim na kaedad lang ni Shemerah. Tinapik pa ang dibdib na wari proud sa sarili.
"I'm sorry guys, Sir or whatever. But I'm not the person you're looking for." Dinampot niya ang mga paper bags na nilagyan ng kanyang mga pinamili at aalis na sana pero humarang agad ang mga nakablack-suit guys na ito.
"Young lady, kapag di po kayo kusang sasama, mapipilitan po kaming pwersahin kayo." Sabing muli ng mukhang lider nila na siyang may lakas ng loob na harapin siya face to face.
Naiirita na siya. Lalo pa't dumami na ang mga taong nakatuon ang atensyon sa kanila. Paano kung may isa sa mga ito ang tauhan ng lolo niya o ba kaya sa lolo niya sa maternal side? Kung di lang talaga mga mukhang mabait at sincere ang mga mukhang bodyguard na to kanina pa niya pinatikim ng flying kick. Huminga siya ng malalim at pumikit na muna para pakalmahin ang sarili. Ibubuka na sanang muli ang bibig nang may mag-step forward na isa sa mga kaedad niya at agad na nagsalita.
"Young lady. Three days lang kayong nawala, kinalimutan mo na agad kami. Ang unfair mo. Kalimutan mo man ang mommy mo, wag naman po kami young lady? Lalo na akong number one protector mo." Kinagat pa ang labi nito na wari iiyak na anumang oras.
"Mommy? Pro-protector?" May mga secret bodyguard siya kaya nga nahihirapan siyang takasan ang lolo niya pero protector daw? At saka mommy?
"Saka wag na po kayong mag-english. Alam niyo naman pong palage kaming zero sa english exam e." Sabi pa ng isa.
"Sa Chemistry din." Pagtatama naman ng isa.
"Naka-one point kaya ako don." Sagot ni Josh.
"Oo pero yung bonus lang." Sagot ng kasama na ikinasama ng tingin niya.
"I am really not your young lady and I don't know you. So, will you please let me pass or else I won't be lenient." Banta niya.
"Young lady, Pakiusap po. Mapapatay po kami ng mommy't daddy niyo. Bahala na po kung saktan niyo kami basta iuuwi namin kayo. Guys! Take her." Utos ng lider sa mga kasama.
Inihanda na ni Shemerah ang sarili to fight them, nang may dumating.
"Stop that." Napalingon ang lahat sa bagong dating at agad na yumuko.
"Greetings young master." Sabi nila at nagbow bago pumagilid.
Lalo tuloy kumunot ang noo ni Shemerah. Sino na naman itong mukhang artista kung makarampa. Kala mo nasa fashion show at nakashade pa. Dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at hinila siya palabas sa mall. Di siya nakaimik dahil nakatulala parin siya at nakatingin sa mukha ng lalake.
***
BINABASA MO ANG
Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)
Teen FictionDahil sa pagiging badboy, his parents engage him to someone he doesn't like. Since di niya mababago ang desisyon ng mga magulang naisipan niyang gumawa ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw at makiusap na bawiin ang napagkasunduang engagement...