chapter 6

1.1K 48 2
                                    

(Hello everyone! I'm back! Here's the new chapter! Enjoy reading!!!!)





I'm so dead!
Title



Sa hapag kainan, panay asikaso ng buong pamilya kay Shemerah.




"Ate, fried chicken. Favorite mo." Sabay lagay ng isang paa ng manok sa plato niya.





"Anak, tikman mo itong beef stake. Masarap to." Sabay lapit ng ginang sa isang bowl sa kanya.




"Humigop ka ng sabaw anak para naman tumaba ka." Sabi naman ng ama.





Siya naman na walang kasing takaw, ayan walang patawad sa pagkain. Ngunit biglang naglaho ang gana niyang kumain nang sabihin ng ginang na kailangan niyang makipagkita sa fiance niya.





"Siya nga pala. Kailangan mong makipagkita sa fiance mo tonight." Muntik na niyang maibuga ang kinakain. "Para naman makilala niyo ang isa't-isa." Dagdag pa ng ginang.





Saglit siyang natigilan pero ilang sandali ay ngumiti ng matamis. "Don't worry mommy." Nakangiti niyang sabi pero nakahawak ng mahigpit sa braso ni Shymin.





Si Shymin naman di maiwasang mapangiwi sa higpit ng pagkakahawak sa braso niya. Pero ngumiti rin. "Don't worry mom, sasamahan ko si Shy mamaya." Sabi din nito.





"So it's settled then. Thank you anak ha na naiintindihan mo rin kami. Don't worry, mabait na bata ang anak ni Mr. Yiu kapag mapatino mo." Paliwanag ng ina.





Gusto na tuloy ni Shem na maubo. Seryoso? Mabait na bata? Pag mapatino pa?






"Wag kang mag-alala ate, kapag may ginawa siyang masama sayo, nandito lang ako. Nanakawin natin ang mga boxers niya at i-display sa divisoria." Sabi pa niya kaya sinamaan ng tingin ng mga magulang.




"Shymar! Ikaw bata ka. Kung anu-ano ng lumalabas diyan sa bibig mo." Sita ng ina.





"Anak, bakit parang may nagbago sayo?" Sabi naman ni Mr. Zhynon.




'Lagot na! Mabubuking na siguro ako nito.' Pinagpapawisan.






"Yung mga mata mo na palaging matamlay tingnan, mukhang may tinatago nang kapilyahan. Nagbago rin ang temperament mo. You look more childish than before."




'I thought you look more gorgeous than before. Childish pa talaga ang napansin?'




"But we're thankful dahil walang nangyaring masama sayo. Please don't do it again." Sabing muli ng ama.





"Yes Si—dad." Sagot niya at kinagat pa ang dila dahil palaging nagkakamali.





Pagkatapos kumain ay agad siyang nagpaalam na babalik na sa kanyang silid. Ibinagsak pa ang likod sa kama sabay sabi ng "I'm so dead! I'm so dead! I am really dead!" May naisip na siyang paraan pero hindi pa siya handa.




Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon